Chapter 14: Without gods

421 29 0
                                    

Ian's POV

Bigla akong nagising sa panaginip...

No, sa bangungot na iyon.

*sigh*

That nightmare again.

Kung naaalala ninyo 'yung bangungot ko na nasa kagubatan ako? Iyon pa rin ang panaginip ko.

Tiningnan ko ang kalendaryo na nakasabit sa pintuan namin.

It's been 3 days mula nang bumalik ako sa aming mundo at 'di ko pa rin alam kung bakit wala sa records ko ang apat na iyon.

Pero nakausap ko ang isa kong kaklase at tinanong ang gwapo kong kaibigan.

Doon ko nalaman na hindi naman sila nakalimutan pero nakapagtataka talaga na wala sila sa records ko.

It's not that I forgot to list their names, kaya ako nagtataka.

Isa pa... Bakit alam ni Daddy na may vacant pa rito?

Aaarrrrggghhh!!!

It's still a mystery!

*sigh*

Hayaan ko na nga lang sila...

"Ian?" biglang sulpot ni Hydra sa tabi ko kaya nagulat ako.

Jeez. Katulad siya ni Percy, mahilig manggulat... Saka...

Binatukan ko agad siya nang ma-realize ko ang tawag niya sa akin.

"Kuya Ian!" sigaw ko sa kaniya kahit malapit lang kami.

Napatakip naman siya ng tenga.

"Opo, kuya," Ngumiti naman ako.

Aalis na sana ako sa kama nang maalalang...

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Magpapaturo sana ako." Lalo akong ngumiti sa sinabi niya.

"Sige pero mag-aalmusal muna ako," sagot ko sa kaniya at ginulo ang buhok.

"Kuya naman, eh... Ang hirap kayang mag-style ng buhok ko tapos guguluhin mo lang!"

Ngumisi ako sa kaniya.

"Aba, nagbibinata na, ah! Sinong crush mo? Huh?" tanong ko sa kaniya at bigla siyang namula.

Tsk. Tsk.

"Hala, may crush siya, oh! Si---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Hindi si Denden ang crush ko, 'no?!"

Medyo nagulat ako kasi ang akala ko ay si Loli na nag-iisang babae sa magkakaibigan ang crush niya, hindi pala. Ang kaniyang bestfriend na lalaki, si Denden.

Napangiti ako.

Ewan. Sa hindi malamang dahilan parang tanggap ko na iba sila.

Umiling ako at napatawa.

"Wala akong sinabing pangalan..." nasabi ko na lang kaya lalo siyang namula.

"Anyway, nakakain ka na ba?" tanong ko.

Umiling naman siya kaya...

"Sige, sagutin mo muna ang lahat ng alam mo, then after I cook, we will eat breakfast bago natin sagutan iyan, okay?"

Tumango naman siya at pumunta sa kaniyang kama.

Habang nagluluto, bigla kong naalala si Zeus.

Hindi ko aakalain na siya ang makikiusap sa akin para magluto sa kanila.

Napangiti ako at umiling.

*sigh*

Kamusta na kaya sila?

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Where stories live. Discover now