Chapter 44: End

319 17 4
                                    

Ian's POV

Limang taon na ang nakakalipas at may trabaho na ako.

Bumabalik na rin sa normal ang lahat.

"Nakakamiss si Percy," Narinig kong pinag-uusapan ng dalawang babae.

Nasa reunion night kami ngayon and this reunion party ay for college grads, na batch namin and yes, tinapos ni Percy ang pag-aaral bago pa siya umalis.

"Oo, lagi nga silang magkasama nang lalaking iyon, kaya bigla ko rin siyang naalala," sabi pa ng isa.

Nagkibit balikat na lang ako.

Hayst.

Tiningnan ko ang tiyan ko.

"Totoo bang magkakaanak ako?"

(Flashback)

"How about me?" tanong ko sa kanila na ikinalungkot naming lahat liban kay Hera.

"Do not worry, dahil kasama mo ang iyong kapatid," sabi ni Hera na nagpangiti sa akin.

At nag-lighten ang mood ng lahat.

"Oo nga, kaya Hydra, protect Ian from now on, okay?" tanong ni Apollo

Nagtaas naman ng kamay si Hydra at nagsalita.

"I promise!"

Medyo natawa naman sila sa ginawa ni Hydra.

"And I have a gift for you! Dahil sa ginawa mo, magdadala ka ng iyong anak sa iyong sinapupunan," sabi ni Hera

"A-Anong ibig ninyong sabihin?"

"Pwede kang mabuntis," paliwanag niya kaya...

"WHAT?!"

Tumango-tango naman siya at nagsalita.

"Even though, hindi kami totoo, ang kapangyarihan namin ay nag-eexist pa rin sa mundo. And also I am the goddess of birth kaya binigyan kita ng sinapupunan upang magkaroon ka ng anak at hindi ka na mag-iisa."

(End Of Flashback)

Geez.

Bigla naman akong nabunggo kaya sabay kaming sumalampak sa sahig.

Napatayo naman ang lalaki at nagsalita.

"Hoy, tumingin-tingin ka nga sa dinadaanan..."

Kumunot ang noo ko nang hindi niya itinuloy ang sinasabi niya.

Kaya tiningnan ko siya at tumayo rin.

"An angel,"

Tama ba ang narinig ko?

"What?" tanong ko ulit pero...

"Ah, nothing."

I rolled my eyes.

"Nga pala, anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Ian Montecillo. Ikaw?"

"Reign Zeus Villanueva." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang pangalan.

At naalala kong bigla ang mga sinabi ni Zeus noon.

"At tandaan niya, na sa pagbabalik ko, sisiguraduhin kong mamahalin ko siya nang pang-habang buhay."

"Reincarnation of Zeus," nasabi kong bigla kaya...

"Ano?" Napabalik ako sa reyalidad at nagsalita.

"Ah, wala." Napangiti naman siya.

Well, it's another adventure! And it's a different story between me and the next adventurer. 😄

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Where stories live. Discover now