Chapter 17: Hydra on Theòs Kòsmos

348 20 0
                                    

Hydra's POV

WOW!!!

So is this the gods world?

This is so unusual!

Umiling ako. Hindi ito ang pinunta ko rito.

"Kuya?" tawag ko.

Yes, sinundan ko sina Kuya at ewan kung anong pangalan no'ng lalaki.

Basta ang alam ko, kailangan ko silabg sundan.

"Kuya?"

Pinagmasdan ko ulit ang paligid nang biglang yumanig ang lupa.

Natakot ako.

"K-Kuya?!" sigaw ko pero to no avail, wala pa rin.

Nakarinig naman ako nang malakas na paghinga kaya nanginig na ako sa takot.

Matapos ng ilang segundo, lumabas ang isang toro na kulay pula ang nga mata at medyo brown ang balat.

Nakatayo ito sa dalawang paa kaya lalo akong natakot...

I-isang minotaur!

Napapikit ako nang aatakihin niya ako gamit ang kamay.

Ilang segundo na akong naghintay pero wala pa rin kaya tiningnan ko ang nangyari at nakita sa harap ko si Kuya may dalang espada at iyon ang pinangsanggalang sa minotaur.

"Takbo, Hydra! Ngayon na!"

Dahil sa sigaw ni Kuya kaya ako napatakbo.

Narinig kong bigla ang hiyaw ng minotaur pero hindi na ako tumingin.

Matapos ng ilang segundo, binuhat niya ako at tumakbo.

Nang medyo malayo-layo na kami, tumigil kami at ibinaba niya ako.

Pagkatapos, bigla niya akong binatukan.

"Aray! Kuya naman,"

"Anong 'kuya naman'? Bakit ka nandito?" tanong niya.

Napakamot ako sa ulo at sumagot.

"Gusto kitang sundan, eh!"

"Hoy, hoy... Ayusin mo ang pananalita mo!" sigaw niya kaya napayuko ako.

"Eh, kasi mag-isa lang po ako sa kwarto kaya kung hindi po kita susundan baka po... Baka po..."

Baka may multong umaligid!

H-Hindi naman sa takot ako. I-I just hate being alone.

Huminga naman nang malalim si Kuya kaya tiningnan ko siya at nakita ko ang kaniyang mga ngiti ay biglang ginulo ang aking ulo.

"Sa susunod, ah... Huwag kang sasama dito. Delikado ang lugar na ito lalo na ngayon."

"Delikado? Bakit po?" tanong ko.

*sigh*

"Oy, ayos na ba kayo?" tanong ng isang lalaki.

Ah! Ito 'yung lalaking kasama ni Kuya kanina!

"Nga pala, he is Apollo, the god of... Basta marami! At siya ang magpapaliwanag sa'yo ng lahat."

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Where stories live. Discover now