Chapter 15: Night

385 27 0
                                    

Ian's POV

*yawn*

It's 9pm at inaantok na ako.

Napagod akong libutin ang buong apartment dahil kailangan na nilang magbayad ngayon.

"Kuya Ian!" Napatingin ako kay Hydra nang magsalita siya.

"Bakit?" tanong ko na inaantok.

"Pwedeng tumabi sa'yo?" sabi niya at humigpit ang yakap sa unan.

Napangisi ako.

"Takot ka lang, eh!" pang-aasar ko.

"H-Hindi, ah! H-Hindi naman totoo ang multo d-dito..."

Nilakihan ko ang aking mata at kunwari'y may nakita sa likod niya.

"A-Ano 'yun?" kunwaring kinakabahan kong tanong.

Napalingon naman siya nang unti-unti ngunit wala naman siyang nakita kaya napatawa ako.

Lumingon naman siya sa akin at napanguso.

"Kuya naman..."

Napatawa ako.

"Akala ko ba nagbibinata ka na? Bakit takot ka pa rin sa multo?" tanong ko.

"Hindi naman ako takot sa multo dahil hindi naman sila totoo."

"Maniwala akong hindi ka takot," sabi ko with a sarcastic voice.

"Eh, sige na!"

"Aminin mo muna..." pang-aasar ko pa.

"Fine. Pero hindi ako takot sa multo! Takot ako kasi madilim!"

"Tch. Palusot... Sige na, sige na... Kunwari naniniwala ako," sabi ko na lang at humiga.

"Kuya, totoo naman, eh." sabi niya at sumampa sa akin.

"Oo na," sagot ko at napatawa na lang.

"Matulog na tayo at pagod ang iyong kuya," dagdag ko.

"Good night, kuya!" sabi niya at ngumiti.

"Good night, Hydra," sagot ko at ipinikit ang aking mga mata.

-----

Nagising ako dahil sa kalabog.

Tiningnan ko si Hydra at mahimbing pa rin ang tulog niya pero nakakunot ang noo niya.

He's having a bad dream...

I kiss his forehead at hindi na kumukunot ang noo niya, at nakangiti pa.

I smiled.

"Ian," bulong na kung sinuman kaya napalingon ako.

Wala na--- Teka, a human sillhoutte?

Unti-unti akong bumaba at tiningnan ang natutulog na si Hydra.

Good.

Dahan-dahan akong pumunta sa kusina dahil nakita ko itong bumukas.

Kinuha ko ang walis tambo at susugod na sana nang makilala ko sila.

"Zeus, Percy, at Perseus? Anong ginagawa ninyo dito?"

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon