Chapter 13: Little Brother

461 31 0
                                    

Someone's POV

Nagising ako sa aking mahabang magkakatulog.

Binangon ko ang kalahati ng katawan ko at inalala ang nangyari bago ako makatulog.

Napakuyom ako.

I will get revenge, Zeus.

Babalik na ako!

Ian's POV

Bumukas ang libingan na nakatayo na at may nakita kaming hagdan pababa.

"Let's go."

At nauna siyang naglakad.

Sumunod naman ako at pumasok sa creepy na libingan.

It's all dark here.

Pati hagdan... Naghahalo ang purple at black, that makes the atmosphere more creepy.

Nang marating ang pinakababa ng hagdan, may nakita kaming pinto.

Napatingin ako kay Zeus nang magsalita siya.

"There is a flower here that blooms everyday. Ayon sa napakinggan ko, it was supposedly a flower for the knight's lover but some peasants..."

Grabe sa peasants... 😑

"...ambush him. Hawak niya ang bulaklak nang mahigpit kaya hanggang paglibing niya, kasama ang bulaklak.

"Matapos ang ilang taon, ang bulaklak ay sumibol mula sa stem nito, kaya't ang bulaklak ay hindi natuyo. It is Vietnam rose, actually but dahil lagi siyang nagbu-bloom, iba ang tinawag sa bulaklak na ito."

He opens the door at nakita ko ang kakaibang kulay ng Vietnam rose at napakaganda!

"The knight's rose."

It is transparent, kaya hindi agad makikita but when some lights comes closer to this flower, it creates rainbow na nagsisilbing kulay ng Vietnam rose.

"Wow."

Kumuha si Zeus ng pitong bulaklak.

"Now, let's go see others. Alam kong nakuha na nila ang mga ingredients for us to stop or defeat Chronos."

Tumango naman ako.

Kaya he creates portal at bumalik kami kung saan kami naghiwa-hiwalay.

Wala pa ang iba...

"Ian!"

What's that?

A boy's voice?

"Ah, kailangan na pala kitang ibalik. Sa susunod na pagkikita natin, Ian."

And when he snaps, nakatulog agad ako.

-----

Nagising ako.

Aarrrgghhhh!!!

Bakit ang sakit ng ulo ko?

"Ian?!"

Napatingin ako sa batang lalaki na nasa tabi ko.

Binatukan ko naman agad siya at nagsalita.

"Kuya Ian! Ilang ulit ko na bang sinasabi iyan?!"

"Aray ko naman..." Ngumuso naman siya at nagsalita.

"Eh, binata na ako, eh!"

Binatukan ko pa ng isa.

"Mas matanda pa rin ako sa'yo!"

"Tch. Oo na..."

Babatukan ko pa sana ulit nang itinuloy niya ang sinabi niya.

"...po."

"Good." At ginulo ang buhok niya.

"Kuya naman."

Napangiti naman ako.

May bigla naman akong naalala.

"Ano, nga pala, ang ginagawa mo dito?"

"Ah, si Daddy, ang sabi'y meron ka pang vacant room dito kaya dito ako nagpunta. Sa elementary school, malapit dito, na kasi ako mag-aaral."

Kumunot naman ang noo ko.

If I'm not mistaken, puno na kami.

Naalala kong bigla sina Zeus, Poseidon, at Hades.

"Maghintay ka muna rito, Hydra. Titingnan ko lang ang records sa office ko."

Pumunta nga ako sa office ko na nasa 6th floor.

Tiningnan ko ang records na isinulat ko pero wala...

Wala akong nakitang nag-o-occupy sa room 507, even si Percy na ka-roommate ko, hindi ko rin makita...

Kumunot ang noo ko.

Anong ibig sabihin nito?

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon