Chapter 41: Demon Inside an Angel

128 12 0
                                    

Apollo's POV

Natapos na namin ang mga alternates. 'Yung iba, tila nagiging invisible. Ibig sabihin, bumabalik na sila sa kanilang oras.

Bigla namang duamating sina Chronos, Kali (pinaikli ko na lang), at....

New alternate?

Susugurin na sana namin siya nang pigilan kami ni Chronos.

"No! He is more or less like me, kaya huwag n'yo s'yang patayin!"

*sigh*

I vanished my weapon. Mukhang wala na ngang alternates na natitira liban sa dalawang ito.

Teka lang...

"Nasaan si Zeus? Si Ian? Napatay na ba si Kakò?"

Bigla naman silang natigilan.

Kinabahan akong bigla nang magtinginan ang tatlo.

"S-Si Kuya?" tanong ni Hydra na anumang oras ay tutulo na ang luha.

"H-He goes back,"

Dahil sa sinabi ni Chronos, pumunta ako sa loob at napaluhod ako sa nakikita ko ngayon.

Ian's POV

Habang kaming apat ay tumatakbo, bigla kong naalala ang panaginip ko.

This is the dream, no, the nightmare nang tawagin ako ni Hera. This is also the dream, when I got here first.

Napatigil ako nang ma-realize ako sa panaginip na iyon.

Ang Nisi ay nagrerepresenta sa kagubatang nakita ko.

Nang managinip ako nang gano'n, curiousity hits me, kaya mapapahamak sana ako.

But there's a man who save me.

Kung gano'n...

"Ian? Bakit ka tumigil?" tanong ni Chronos.

"Mauna na kayo! Susunod ako," sabi ko sa kanila.

Tinawagan pa nila ako pero patuloy akong tumakbo.

At tumigil ako nang makita ko si Zeus na nakatalikod sa akin.

Bumagsak naman si 001, kaya nakahinga ako nang maluwag.

Humarap naman si Zeus at maglalakad sana nang makita niya ako.

"Oh, bakit narito ka pa?"

Bago pa ako makasagot, nakita ko ang pagtayo ni 001, at mabilis na tinusok ng kaniyang espada ang tagiliran nito.

Nanlaki ang mga mata ko habang unti-unting natutumba si Zeus.

Dahil nakaharap siya sa akin, napayakap niya ako.

"Zeus?" pagtawag ko pero mabagal na paghinga lang ang naririnig ko.

Kumuyom ang aking kamay.

Dahan-dahan kong inihiga si Zeus at tiningnan nang masama si 001.

"Makikita mo ang demonyo sa likod ng mga anghel."

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon