Chapter 42: Death

136 13 0
                                    

Ian's POV

"Makikita mo ngayon ang demonyo sa likod ng mga anghel," sabi ko sa kaniya ngunit nginisian niya lang ako na lalong nagpainis sa akin.

Nag-pahid ako ng potion sa aking mga paa kaya kunot noo niya akong tiningnan.

"If you, have an ace on your sleeves, me too."

Author's POV

Matapos sabihin ni Ian iyon, ay mabilis siyang nawala kaya hinanap agad ni 001, ng kaniyang mga mata ngunit nagulat na lang siya nang may bumulong sa kaniya.

"I am right here," bulong ni Ian at bigla na lang ulit nawala bago pa i-slash ni 001, ang kaniyang espada.

"Ikaw 'yung tipong hindi pinapansin ang lahat ng bagay," sabi ni Ian nang harapan na siya ni 001, pero bago pa siya atakihin, nawala ulit siya.

"Naka-focus ka lang sa paghihiganti mo," pagtutuloy ni Ian no'ng siya'y nasa kanan ni 001, at balak sanang i-slash ulit niya ngunit nawala ulit siya.

"Kaya hindi mo kami napapansin na mga 'side characters' mo," pagpapatuloy pa ni Ian nang nasa kaliwa na siya ni 001.

He pointed his sword to Ian at inihagis iyon. Medyo malayo-layo kasi si Ian so he throw his sword para tamaan siya ngunit bago pa lumapat sa noo ang kaniyang espada ay bigla ulit nawala si Ian.

Bigla namang nakaramdam nang panlalamig si 001, nang marinig ang malamig na boses ni Ian sa likod niya.

"Any last words?"

Dahil sa takot, hindi na nakapagsalita si 001.

Kaya pinutol ni Ian ang ulo ni 001.

[Author's Note: Pasintabi po sa mga kumakain]

Natumba ang katawan ni 001.

At bigla namang naalala ni Ian si Zeus kaya napaluhod si Ian, at dahan-dahang inilagay ang ulo ni Zeus sa kaniyang mga hita.

Bigla namang dumating sina Apollo, Chronos, Hydra, Poseidon, Hades, Kali Ora, at 451.

Napaluhod si Apollo, at lumuha sina Hades at Poseidon.

Natahimik si Chronos, at yumakap naman sa akin si Hydra.

"Zeus? A-Ama? B-bakit?" Naluluhang tanong ni Apollo.

At nakita kong unti-unting bumubukas ang kaniyang mga mata.

Kaya lumaki ang aking mga mata.

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Where stories live. Discover now