Chapter 10: Zeus

600 38 0
                                    

Ian's POV

"Eh, kung gano'n pala, hindi dapat ako naririto..."

Umiling sila.

"As the prophecy said, kailangan ka namin dito," sabi ni Percy.

"Ano naman ang ginagawa natin dito?"

Pagkatapos nilang magsindi ng apoy ay umikot sila sa apoy at umupo.

"Naghahanap kami ng mga sangkap pangontra sa kapangyarihan ni Chronos," sagot ni Poseidon.

Pangontra?

Tumango naman siya.

"Sinabi sa amin ng Oracle, it can be of great help kapag may nangyaring hindi natin inaasahan," sabi ni Percy.

Napatango naman ako.

"Anong ingredients na ang nakita n'yo?"

Napalingon ako sa taong kilalang kilala ko ang boses.

Kwinelyuhan ko agad siya at nagsalita.

"Bakit bigla ka na lang nawala, Perseus?!"

Ngumisi naman siya.

"Bakit? Namiss mo ako?"

*sigh*

Binitawan ko na lang siya.

Hindi ko alam na napatayo rin pala ang apat at sinusubukan akong pigilan pero huminto na rin sila nang bitawan ko si Perseus.

"Wala pa kaming nahahanap," sagot ni Percy at umupo.

Umupo na rin kami at tumabi sa akin si Perseus.

"Eh, kung gano'n... Maghiwa-hiwalay tayo bukas. By pairs para mas madali," suggest ni Perseus kaya sumang-ayon agad sila.

Napangisi siya.

Oh no...

Bago pa magsalita si Perseus ay naunang magsalita si Zeus.

"Sasamahan ako ni Ian." Nagulat ako sa sinabi niya.

"What?!"

"I am the leader here at wala tayo sa apartment mo kaya ako ang masusunod."

Aaaarrrgghhhh!!!

"Then, si Tito Hades na lang ang isasama ko para na rin makapag-bonding ang mag-ama," sabi niya at tumingin sa dalawa.

Ngumiti naman ang dalawa.

"Bukas na natin ito gawin. Sa ngayon, magpahinga muna tayo."

*growl*

Napatingin ako sa aking tiyan nang tumunog ito.

Come to think of it, hindi pa ako kumakain bago ako umalis.

Ngumisi naman si Perseus at nagsalita.

"But before that, there's a hungry wolf here kaya kumain muna tayo."

Napayuko naman ako sa sinabi niya.

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Where stories live. Discover now