Chapter 34: Real Mission

135 13 0
                                    

Ian's POV

Napaupo ako.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita.

That world... Our world...

Ginulo ko ang buhok ko.

Aaaarrrgggghhh!!!

Pumunta naman si Zeus sa harap ko kaya may bigla akong naalala...

Flashback

Tiningnan ko ang labas sa bintana at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nagkakagulo ang buong sangkatauhan. Madilim ang kalangitan na parang may bubugsong ulan anumang oras ngunit parang hindi naman.

Ang mga sasakyan, bumunggo sa mga pader ng mga gusali. At marami ang napupuruhan dito.

Tumingin ulit ako sa itaas. Ibig sabihin, bigla na lamang dumilim kaya nagkagulo ang mga tao.

Sumakit bigla ang ulo ko at agad-agad na pumunta si Zeus sa akin.

Unti-unti kong naiipikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan nang dumilim.

Nagising akong bigla. Tiningnan ko ang paligid at nasa malawak na hardin ako.

Tumayo ako at nakitang malapit kami sa dagat at nakikita ko rin ang nag-iisang isla sa dagat.

Ibig sabihin, nasa Kosmos Theos ako?

Paano? Anong nangyari?

"Ian," Napaharap ako nang marinig ko ang boses na pamilyar sa akin.

Kumunot ang noo ko nang hindi ko makilala ang babaeng nasa harap ko.

Napakaganda niya na hindi maihahalintulad sa tao.

"Pamilyar ba ang boses ko sa'yo?" Napanganga ako pero tumango na rin.

"Because I once said your name nang nanaginip ka."

Nanlaki ang mga mata ko at nagsalita.

"Kung gano'n..." Tumango siya bago ko pa masabi ang lahat.

"Oo, ako si Hera, ang asawa ni Zeus." Kumurap-kurap ako dahil hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na si Hera.

Pero bakit gano'n? Feeling ko, hindi pa natutupad ni Zeus ang kaniyang misyon sa akin.

Napakaikli ng aming pagsasasama at parang hindi pa 'yun sapat para mapaibig niya ako.

"Kung nagtatanong ka kung bakit nagpakita, dahil natupad na ang misyon mo kay Zeus."

"Huh?"

"Actually, ikaw ang may misyon at hindi si Zeus. Though, masakit ito para sa akin ngunit kailangan."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang misyon mo ay mapaamin mo si Zeus na umiibig siya sa'yo."

"WHAT?!"

The Greek gods are in my Apartment?! (bxb) [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon