TULA #1

286 40 56
                                    

Ang tulang ito ay tungkol sa mga taong nagmahal ng maling tao. Sana nakamove-one kana♡

* * * * *

"Paubaya"
by: Iamlazyjuan


Mahal kita,
Ngunit mahal mo'y siya.
Nandito ako pero siya ang laging laman ng isip mo.
Magkaiba kami dahil,
siya mahal mo ako ay hindi.


Pilit kong sinisiksik
Sa aking isip
Na ito'y isa lamang panaginip
Panaginip na kinabukasa'y mawawala rin sa aking isip.

Ngunit sa paglipas ng oras,
Sa paglubog nang inang araw
Hanggang sa pag-akyat ng kadiliman sa kalangitan
Na ang buwan ang siya'ng tanglaw.

Doon na ako sumuko.
Doon ko na napagtanto, na
Siya talaga ang mahal mo.
Na kahit anong pilit ko ay siya parin ang pipiliin mo.

Mahal ko,
Mahal kita ngunit masakit na.
Mahal kita pero hindi ko na kaya,
Hindi na kaya ng puso kong wasak at nagdurugo.
Kaya mahal ko,
sana'y pakaingatan mo ang sarili mo,
Dahil ngayong mawawala na ako, siya na ang mag-aalaga sayo.


:/

Any thoughts?😊

SA BAWAT TUGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon