TULA #16

28 6 12
                                    

"KAIBIGAN"
written by: iamlazyjuan

Sa simula'y, 'di maampat ang ating saya,
Dahil sa mga biro mong corny pero nakakatawa.
Sa simula'y normal lang sa ating ang magkatitigan sa mata,
Ngunit, bakit tila yata hirap akong ngayong tignan ka?

Hindi mawari ang tamang ikikilos,
Ako'y nababalisa at 'di maka-hunos.
Sapagkat ramdam ko ang iyong titig,
Na naging dahilan para puso ko'y bumilis ang kabig.

Ang sarili ko na'y nagtataka
Nagsisimula nang malito sa tunay na pang-unawa,
Kung pangkaibigan nga lang ba talaga
O pag-ibig na ang aking nadarama.

Ngunit sa paglubog ng araw
Habang magkasama tayong nakatanaw,
Doon ko lang napagtanto
Na hindi ikaw ang para sa'kin, at hindi ako ang para sa'yo.

Dahil kahit gaano pa man katibay
Ang pagkakaibigang binuo na'tin ng sabay,
May mga bagay talagang,
Mananatiling sa kung paano ito nagsimula habang buhay.

Kaya naman ngayo'y tinatanggap ko na,
Kahit simula pa lang ay sinabi mo na,
Na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay,
At ang pag-ibig mo'y sa iba na nakaalay.

***
02/10/22»

SA BAWAT TUGMAWhere stories live. Discover now