TULA #7

63 15 7
                                    

SALAMISIM
Written by: Iamlazyjuan
To: Exiann

Mga ngiti, tawa at sayang nadarama.
Mga pakiramdam na nagpapaalala sakin ng mga alaala.
Mga alaala na noo'y normal nating ginagawa.
Mga alaala na ngayon ay hindi na natin mauulit pa.

Masakit man sakin ang salamisim ng ating nakaraan,
Hinding-hindi ako magsasawa na ito'y balik-balikan.
Sapagkat sa mga panahong iyon lamang,
Ako nakaramdam ng tunay na kasiyahan. Kasiyang walang makakatumbas ninuman.

Mga ngiti mo pa lamang ako na'y nabibighani.
Mga tawa mo pa lamang ako na'y iyong napapangiti.
Ang saya pa lamang na iyong naipapadama sakin ay,
Labis na akong nahulog sa iyong bitag na maglalayo sakin sa pighati.

Kung maibabalik ko man ang nakaraan,
Ang ating mga alaala ang gusto kong balikan.
Sapagkat sa paglisan mo sa akin ay nagdulot ng sakit ng kalabisan,
Kaya gusto ko ulit maramdaman, ang ligaya na noo'y ating nararamdaman.

Gusto kong balikan ang salamisim ng ating nakaraan,
Para ika'y aking makasama muli't mahagkan.
At nang maibalik ang sigla ng aking buhay,
At ngumiti ng walang halong lumbay.

Ngunit gaya nga nang sabi ko, kung pwede lang sana.
Dahil kailangan kong harapin ang reyalidad na,
Hindi na maibabalik ang taong sa aki'y nagpangiti't nagpatawa
Ang taong minahal ko ng sobra. Ikaw, na wala na.



*//

Juan's Note:

Hey Juanderers😈 HAPPY 302 READS!!I just wanna thankyou for reading my poems eventhough I am not that good at it but I beliebe I give my best in writing it, I use my heart to guide me in writing my poems. So sana po ay nagustuhan niyo ang handog kong ito. Btw the title came from one of my co-writers na nagcomment sa post ko! If you want to comment or suggest some titles you can visit my FB acc which is: LazyJuan WP. Thankyo again guys❤

SA BAWAT TUGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon