Tula #15

35 5 0
                                    

HINDI MAWARI
Written by: iamlazyjuan

Isang buwan at isang linggo.
Isang buwan na ang lumipas ng lumisan ka sa bisig ko.
Iniwan mo ako nang nanlulumo at puno ng luha ang mukha ko,
Dahil sa pakikipaghiwalay mo sa akin ng walang dahilan at hindi klaro.

Hanggang ngayon ako parin ay nagtataka,
Lalo na sa pakikipaghiwalay mo sa akin bigla.
Maraming katanungan ang namumuo sa aking isipan
Dahil isang linggo ka lang nawala ngunit pagbalik mo'y agad mo akong hiniwalayan.

'Di mawari ang iyong dahilan,
Dahil sa rami nang laman ng aking isipan.
Patuloy kung tinatanong kung hindi ba ako naging sapat?
Dahil simula't sapul ako lang naman ang nanjan sa tabi mo't laging tapat.

Ngunit tila yata ganyan na ang nakatakdang mangyari,
Ang maghiwalay tayo at magkahiwalay na ngumiti.
Una pa lamang siguro tayong nagkatagpo,
Nakatadhana na tayong maglayo.

Masakit man para sa akin,
Hindi ko na lamang ito iisipin.
Dahil mababaliw lamang ako kakaisip ng dahilan mo
Sa pagsira sa relasyong sabay nating binuo.

Hindi ko man mawari ang iyong rason,
Sana'y masaya't nakangiti kana ngayon.
Naghiwalay man tayo sa hindi inaasahang panahon,
Masaya ako dahil alam nating minsan na tayong pinagtagpo noon.

SA BAWAT TUGMAWhere stories live. Discover now