TULA #8

65 13 4
                                    

MATA
Written by: Iamlazyjuan
To: Cryztle


Mata.
Parte ng katawan na ginagamit para makakita.
Ito ang parte ng iyong katawan,
Na kay sarap titigan.

Dahil sa t'wing ito'y aking tinititigan,
Nalulunod ako sa angkin nitong kagandahan.
Sa iyong mata na nagpapahiwatig,
Ng mga mga salita na hindi mo kayang isatinig.

Sa iyong mga mata,
Ay nakakubli ang tunay mong nadarama,
Nadarama na ayaw mong ipakita,
Sa mga taong iyong nakakasalamuha.

Sa iyong mga mata na hindi marunong magsinungaling,
Nakakubli ang mga katotohanang pilit mong ipinapaling.
Sa bawat ngiti ng iyong bibig,
Ay kabalikataran naman ang ibig sabihin ng iyong mga titig.

Ngunit simula ng ika'y aking makasama,
Alam ko'ng labis ang naramdaman mong saya.
Dahil sa wakas ay nakakilala kana,
Ng taong hinding-hindi kana iiwan pa.

Hindi man gano'n ka-perpekto ang relasyon nating dalawa,
Hindi natin pinapalampas ang araw nang hindi napaguusapan ang problema.
Kahit na minsa'y nahihirapan na akong intindihan ka,
Makita ko lang ang saya sa iyong mga mata, ayos na ako sinta.

Kasi sa pamamagitan ng iyon mga mata,
Ay mas nakilala kita.
Dahil sa papamagitan ng iyong mga mata,
Ay minahal kita kita sa kung sino ka.


<//*

Juan's Note:

Navitin ka? Avangan mo ang next ud ko veh HAHAHA. Btw Skl, the title is randomly said by my friend so I made it to a poem. Thankyou for reading! I hope you enjoyed it! Muwah ^^,33❤❤

SA BAWAT TUGMAWhere stories live. Discover now