TULA #3

146 29 35
                                    

Itong tulang ito ay para sa mga taong niloko na nahihirapan paring kalimutan ang sakit at hindi parin sarado ang sugat na kanilang nakaraan. Ang masasabi ko lang, move-on na mga mare, walang tutulong sayo kundi ang sarili mo! Don't lock yourself in the jail of the past, breakaway, move on and find your happiness😊

* * * * *

"Sa Bawat Patak"
by Iamlazyjuan

Sa bawat patak ng ulan,
Naaalala ko ang saya ng ating nakaraan.
Sa bawat patak ng ulan,
Naalala ko ang sakit na dulot ng matapos ang ating kasiyahan.

Sa bawat luha na namalisbis sa aking pisngi
Ganun din kalala ang nararamdaman kong pighati.
Sa bawat gabi na ako ay nagpapakalunod sa pagluha
Ang kumot at unan ko lang ang aking kasama.

Sa mundong mandaraya,
Mahirap makahanap ng karamay na makakasama
Kaya kailangan mong lumaban at masanay ng walang kasama,
Dahil wala kang saya na matatamasa kung hindi ka lalaban mag-isa.

Dahil pagkatapos ng bagyo bilang sakit na iyong nadarama
May bahag-hari at liwanag kang makikita.
Ang saya ay babalik sa buhay mo, ang saya na kinuha ng taong minahal mo,
Kaya ikaw, kung anumang sakit ang nararanasan mo, kayanin mo dahil walang tutulong sayo kundi ang sarili mo.


06/02/2021

//
Any comments mga mareee?? HAHAHA❤

SA BAWAT TUGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon