TULA #4

102 27 24
                                    

I dedicate this poem to Aero WP co'z he is the one who gave me the title. I hope you like this❤

* * * * *

"Malaya Ka Na"
by Iamlazyjuan


Ang relasyon nati'y matatag, at hindi mahina
Subok na ng panahon at mga problema
Kaya walang makakasira ; at
Walang makakatibag kahit sino pa.

Ngunit sa pagdaan nitong mga araw
Pagkalipas ng Tatlong-daan at animnapu't-apat na araw
Napansin ko ang isa sa iyong manliligaw
Na saiyo ay palaging nakatanaw.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman,
Kung ikaw ba'y aking babantayan o hahayaan
Ngunit sa huli aking napagtanto, na kailangan kitang pagkatiwalaan
Kaya ika'y aking hinayaan.

Sa paglipas ng mga araw napapansin ko ang iyong paglayo
Natatanaw ko sa malayo ang ngiting hatid niya sayo
Habang kayo'y masayang nagke-kwentuhan sa labas ng eskwelahan niyo,
Subalit ako'y nakaramdam ng sakit at selos aki'y itong pinalis at naglakad patungo sa inyo.

"Lara." Sambit ko, paraan para makuha ang atensyon mo,
Ngunit tila yata hindi sapat ito,
Sapagkat ika'y patuloy na tumatawa sa kanyang mga kwento
At may kasama pang pagpalo sa kanyang braso.

Dahil hindi ko na kayang magtimpi pa
Ako'y nagtungo sa gilid mo
Inaya kang umuwi na dahil baka magalit ang nanay mo,
Ngunit imbes na tumayo ang sinabi mo sa aki'y, "Mauna ka na Dane, may gagawin pa kaming proyekto."

Dumating ang araw ng ating anibersaryo
Sa Ikalabing-isa ng buwan ng pebrero
Ako'y nag-iisip kung paano ko sasabihin sayo
Ang katagang, "maghiwalay na tayo."

Habang ako'y naghihintay sa ating tagpuan,
Natanggap ko ang mensahe mo na ika'y may pupuntahan.
Okay lang sana ito, ngunit ang masakit hindi mo man lang nagawang batiin ako
Gayo'y araw ngayon ng ating anibersaryo.

Bagsak ang aking balikat ng ako'y umalis
Sa tagpuan natin kung saan ang puso nati'y unang bumilis.
Ako ay labis na nalulongkot sa kinahinatnan ng ating relasyon,
Ang masaya at nag-uumapaw sa pagibig na mga araw noon ay ala-ala nalang ngayon.

Habang ako'y naglalakad pauwi
Ang lungkot ko kanina'y napawi,
Sapagkat ito'y napalitan ng galit at pighati
Ng aksidente ko kayong namataan sa isang gawi, masayang nagke-kwentuhan habang magkatabi.

Agad ko kayong tinungo sa inyong pwesto,
Hindi niyo ako napansin sapagkat ako'y nakatayo sa likod niyo
"So, ito pala ang pupuntahan mo?" Nasasaktang sambit ko habang ang luha ko ay kusang tumulo,
Dahilan para gulat kang mapatingin sa likuran mo at naiiyak na tumayo.

"Dane let me explain." Ang boses mo'y may halong sakit at pagsusumamo,
Ako'y napailing dahil bakit pa siya magpapaliwanag?
Kong nakitakita ko na sa dalawang mata ko,
Ang saya niyahabang nakatalikod ako.

Masakit man sa akin ang aking nakita
Hindi ako tanga para ito'y palampasin pa
Hindi rin ako masokista para pabayaan kang masaya
Habang ako ay nasasaktan at lumuluha.

Ako ay ngumiti ng may kalakip na sakit at panlulumo
Tinignan kita at pinalis ang luha kong sayo'y nagsusumamo.
Ako ay humugot ng malalim na buntong hininga bago magsalita,
Muli kang nginitian na nagpapahiwatig na mahal kita bago sabihin ang katagang, "Malaya ka na."

06/04/2021 :<

*//

JUAN'S CHIKA:

WAHHHH! I'M DONE WITH THE FIRST ONE! SANA NAGUSTUHAN NIYO❤❤ TO AERO WP SANA NAGUSTUHAN MO BB,















SA BAWAT TUGMAWhere stories live. Discover now