TULA #2

205 36 65
                                    

Itong tulang ito ay dedicated para sa mga taong/kabataan na nakararanas ng DEPRESSION. Ito po ay isang seryosong karamadaman kaya dapat nating bigyang pansin. Salamat.

* * * * *

"Tikom Bibig"
by Iamlazyjuan


Bakit ka tahimik?
Ako ay nagtataka sapagkat kahit nasasaktan kana hindi ka parin umiimik.
Hindi nila halata, ngunit napapansin ko ang hilam mong mga luha,
Ako ay nababahala kung ano ang iyong problema.

Sa bawat araw na ika'y aking nakikita
Napapansin ko ang madalas mong pagluha.
Hanggang sa ako'y hindi na nakatiis at nilapitan ka,
Doon ko nalaman at napagtanto kung ano ang iyong dinadala.

Itong pandemia ay palala ng palala
Maging ikaw ay lumala rin ang pagluha.
Gusto man kitang tulungan ngunit ayaw mo,
Dahi kahit kailangan mo nang tulong ay tinutulak mo ako palayo.

Hindi mo masabi sa mga magulang mo
Dahil maging sila'y natutuliro kung paano makakaraos sa problemang ito.
Ang iyong depresyon ay lumala ng walang nakakalaam kahit sino maliban sakin,
Kaya ako ay natatakot dahil baka ano ang iyong gawin.

Isang araw ay hindi ko na napigilan,
Ako'y pursigidong na ika'y tulungan
Kaya aking tinungo sa iyong tahanan upang kausapin ang iyong magulang
Para sabihin ang iyong pinagdaraanan.

Mga palahaw ng hagulhol na may halong pagsisisi't hinagpis
yan ang aking naulinigan mula sa pinto ng iyong tahanan.
Ako ay agad nanlumo sa iyong kinahinatnan dahil hindi man lang kita natulungan,
Ako ay nanghihinayang sa iyong kinahantungan,
Dahil tikom bibig kang nadatnan ng iyong kamatayan.



06/02/2021

*//

Any comments?

P.S: Ang nilalaman po ng tulang ito ay tungkol sa mga kabataang nakararanas ng depresyon ng hindi napapansin ng mga magulang. Sana nagustuhan ninyo❤

SA BAWAT TUGMAWhere stories live. Discover now