TULA #18 (Old Ver.)

6 2 0
                                    

"SAKAL"
by iamlazyjuan

Isang hakbang pasulong
Para harapin ang mga problema
Isang hakbang paatras
Dahil sa bigat na hindi mo kaya

Hindi alam ang gagawin
Sa mga oras na walang masandalan
Hirap lumanghap ng hangin
Dahil sa sakal ng kahirapang hindi matakasan

Bigat ng problema'y 'di maisatinig,
Dahil sa takot na ika'y hindi pakinggan
Solusyo'y 'di mahagilap
Sapagkat mga mata'y kasinungalingan ang kinamulatan.

Ilang luha pa ba ang kailangang iiyak
Para mga panawagan  nami'y pakinggan?
Ilang bata pa ba ang kailangang mamatay sa gutom
Bago ang problema sa kahirapa'y solusyonan?

Mga tao'y halos mamatay na sa gutom,
Dahil sa kahirapang mahigpit ang gapos.
Nawa ang mga  problema'y masolusyonan na paglaom
Nang kami na'y makalaya, mula sa sakal niring paghihikahos


***

02/24/2022

Dedicated to CalyxCreeper. Just wanna post the poem he requested noon HAHAHAHA

SA BAWAT TUGMAWhere stories live. Discover now