TULA #10

53 12 9
                                    

BITUWIN
Written by: Iamlazyjuan
To: those people who are secretly loving their bestfriends.


Sa mga bituwin.
Nasa ilalim tayo ng mga bituwin nung ika'y aking mahalin.
Nakahiga sa damuhan at nagke-kwentuhan,
Ng mga bagay na walang katuturan.

Isang maaliwalas na gabi,
Habang nakatanaw sa kalangitan na hitik sa bituwin habang nakangiti.
Ika'y nagke-kuwento tungkol sa iyong araw,
At ako nama'y sayo ay nakangiti't tumatawang nakatanaw.

Sa bawat buka ng iyong bibig,
Ako'y lalong napapaibig.
Sa bawat tunog ng iyong halakhak,
Sa tenga ko'y para itong musikang tumatatak.

Hindi ko kailan man ito pinangarap,
Ang umibig sa matalik kong kaibigan na kasabay kong nangarap.
Hindi ko kailanman man hinangad,
Ang mahulog sa iyong bitag at ibigin ka agad.

Ngunit tila yata isa kang bituwin,
Dahil sa dinami-rami ng gwapong lalaki ikaw pa ang aking napansin.
At literal yatang ika'y isang bituwin,
Dahil kahit na napakalapit mo sa akin, ang hirap mo pa ring abutin.

Ang bituwin ay kayang kuminang mag-isa sa lupon ng kanyang mga kasama,
At tama sila dahil nakayanan mong kuminang mag-isa.
Kahit na gusto kong sabihin sayo ang aking nadarama,
Sinarili ko na lamang ito dahil gusto kong alagaan ang ating pagsasama.

Kaya 'di ko man masabi sayo mahal ko,
Nandito laman ako lagi sa tabi mo.
Laging nakaalalay sa mga problema mo,
At umiibig sayo ng pasikreto.

*//

Juan's Note:

Heyow!! Hahaha gumawa ulit ako ng tula para sainyo! HAPPY 400+ READS!! I am very much grateful and thankful guys for making this possible and I am very much happy and teary right now. I love you guys! Muwah ^^,33❤

SA BAWAT TUGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon