"HALAGA"
written by: iamlazyjuan
Purong husga at masasakit na salita,
Mga bagay na dahilan para kwestiyonin namin ang aming halaga.
Mga kapintasan at kamalian ang lagi nilang napapansin,
Hindi ang mga bagay na kaya naming gawin.Kailan pa ba kami magiging malaya,
Dito sa lipunang walang ginawa kundi ang manghusga?
Kailan pa nila kami maririnig,
Dito sa lipunang sarado ang isip at ayaw makinig?Ilang tao pa ba ang kailangang kwenistiyon ang kanilang halaga,
Dahil dito sa lipunang hindi matanggap ang kasarian nila.
Ilang tao pa ba ang masasaktan,
Dahil dito sa lipunan na ang tanging ginawa ay sila'y husgahan.Kailan pa ba darating ang araw,
Na may makikilala kaming tao na hindi mababaw,
Yung klase ng tao na tatanggapin ka sa kung ano ka,
At hindi ibabase sa kasarian mo ang iyong halaga.*****
02/17/22 <3

YOU ARE READING
SA BAWAT TUGMA
Poetry"Sa bawat tugma ay mga salita; na May emosyong hatid sa bawat mambabasa. Mga salita na may tugma, Na nabuo sa aking isip kalakip ng aking nadarama." KOLEKSYON NG MGA TULA Isinulat ni: iamlazyjuan Nagsimula: May 31, 2021 Highest Ranks: #1 - Tula #1...