*REVISED VERSION*
***
"Imahinasyon"
by IamlazyjuanBawat araw siya ay laging iniisip,
Bawat gabi siya ay nasa isip maging sa pag-idlip.
Umaasa, na baka may pag-asa
Nagbabaka-sakaling baka ako ang piliin niya.Handang isuko ang sarili,
Handang bumitaw sa pisi.
Handang sumugal sa laro,
Larong walang nakakaalam kung sino ang mananalo.Ngunit susugal ba ako
Kung alam ko namang hindi ako sa dulo?
Sasang-ayon ba sa imahinasyon ko,
Kung saan ako ang pinili mo?Ako ay labis na naguguluhan,
Hindi mawari kung sino ang paniniwalaan.
Hindi malaman kung alin ang makatotohanan,
At kung ano ang kasinungalingan.Tama bang sumagal pa ako sa laro, kung saan imahinasyon ko lang ang basehan?
Dapat ko bang ipaglaban ang nararamdaman?
O magpatangay nalang sa alon ng kalungkutan at ikaw ay pabayaan?Ano ang pipiliin? Ang Imahinasyon o ang katotohanan?
Ang imahinasyon ba kung saan ako ang kasama at pinili mo sa dulo?
O, ang katotohanan na hindi ako,
Ang pinili at minahal mo?//
Hello!! I revised this poem because i read a lot of incorrect and unrhymed stanzas and sentences that is not pleasing and good to read. Sana maganda tong revised version para sainyo! Thankyou❤

YOU ARE READING
SA BAWAT TUGMA
Poetry"Sa bawat tugma ay mga salita; na May emosyong hatid sa bawat mambabasa. Mga salita na may tugma, Na nabuo sa aking isip kalakip ng aking nadarama." KOLEKSYON NG MGA TULA Isinulat ni: iamlazyjuan Nagsimula: May 31, 2021 Highest Ranks: #1 - Tula #1...