Pagbabago
by iamlazyjuanIsang hakbang pasulong
Para harapin ang mga problema
Isang hakbang paatras
Dahil sa bigat na hindi mo kayaHindi alam ang gagawin
Sa mga oras na walang masandalan
Hirap lumanghap ng hangin
Dahil sa sakal ng kahirapang hindi matakasanBigat ng problema'y 'di maisatinig,
Dahil sa takot na ika'y hindi pakinggan
Katotohana'y 'di mahagilap
Sapagkat mga mata'y kasinungalingan ang kinamulatan.Ilang luha pa ba ang kailangang iiyak
Para mga panawaga'y pakinggan?
Ilang bata pa ba ang kailangang mamatay sa gutom
Bago ang problema sa kahirapa'y solusyonan?Ilang politiko pa ba ang kailangang maluluklok sa puwesto,
Bago matupad ang mga pangakong kanilang binigkas para tao'y sila'y iboto?
Ilang politiko pa ba ang uupo sa puwesto ng pagkapangulo,
Bago tuluyang maaksiyonan ang pangangailangan ng mga tao?Kailan pa kaya makakaahon ang ating bansa,
Mula sa mga naiwang utang at problema ng mga pangulong nangako ng pagbabago?
Kailan pa kaya makakasulong ang ating bansa,
Kung ni isa sa mga aksyon ng tumatakbong pangulo ay hindi mo masabi kung totoo nga ba.Ngunit sa mga politiko nga lang ba dapat ibunton ang lahat ng sisi,
Kung maging mga tao'y responsable lalo pa't tayo naman ang sa kanila'y pumili?
Kaya naman panahon na para ating iboto ang tamang kandidato,
Para makaranas naman tayo ng gusto nating pagbabago.H'wag nating iasa ang lahat sa mga politiko,
Dahil hindi natin alam kung ano nga ba sa mga sinabi nila ang magkakatotoo,
Sa halip tayo'y tumayo at magtulangan,
Manindigan para sa ating karapatan, at iboto ang tamang liderato para sa ating magandang kinabukasan.Dahil ang tanging solusyon lamang nitong kahirapang mahigpit ang gapos,
Ay ang pagpili ng tamang lider na alam mong maghahatid sa bayan ng pagbabago,
Para sa gano'n ay unti-unti na tayong makahinga sa mga problema;
At tayo na'y makalaya, mula sa matagal na nating pagkakagapos .***
02/24/2022
This is dedicated to CalyxCreeper, because he requested this then for their short film, thou this is not the original version. Hope you like it❤️

YOU ARE READING
SA BAWAT TUGMA
Poetry"Sa bawat tugma ay mga salita; na May emosyong hatid sa bawat mambabasa. Mga salita na may tugma, Na nabuo sa aking isip kalakip ng aking nadarama." KOLEKSYON NG MGA TULA Isinulat ni: iamlazyjuan Nagsimula: May 31, 2021 Highest Ranks: #1 - Tula #1...