TULA #9

51 11 13
                                    

PAGHILOM
Written by: Iamlazyjuan
To: All the people who's now healed from the sadness, heartbreak and struggles they had. Keep going guys☺

Unti-unting bumababa ang haring araw, sa kahel na kalangitang kanyang kinalalagyan,
Senyales na patapos na nanaman ang araw at simula nanaman ng bagong laban.
Sa pagtakip ng silim,
Ay kasabay naman nito ang pagtulo ng luha mo mula sa pagluha mo ng lihim.

Ang mga luhang lumalabas sa iyong mga mata,
Ay katumbas ng sakit na iyong nadarama.
Sa bawat ngiti naman na iyong ipinapakita,
Nakakubli roon ang mga alaala na pilit mong iwinawala.

Isang taon na simula nung siya ay mawala,
Ngunit tila yata ang sakit ay hindi parin mawala-wala.
Mukha yatang 'di mo pa rin limot ang mga huli niyong ala-ala,
Bago ka niya iwang mag-isa.

Kami'y labis na naaawa sa iyong kinahinatnan,
Sapagkat ika'y napariwara't nawala sa sarili mo ng tuluyan
Gusto ka naming tulungang makalimot,
Ngunit puro pantataboy mo sa amin ang iyong sagot.

Paano ka niyan makakalimot?
Kung ang ginagawa mo'y pagkulong sa sarili mo sa lungkot.
Paano ka niyan makaka-aahon?
Kung pilit mong inilulunod ang sarili mo sa dagat ng alon.

Sa tuwing ika'y aming tatanungin kung bakit,
Imbes na salita ang iyong sagot, puro iyak lang ito na may halong lungkot, pighati't sakit.
Paaano kana? Paano ka babalik sa dati?
Yung dating kilala namin na masayahin at laging nakangiti, ay napalitan na luha at pighati?

Hanggang isang araw, nang kami sana'y susuko na,
Nagulat kami sa iyong pagpapakita.
Ika'y humingi saming mga kaibigan mo ng paumanhin,
At sinabing ika'y magpapakalayo-layo't sarili mo'y iyong papagalingin.

Kami'y nakaramdam ng labis na saya,
Sapagkat ikaw kumawala na sa kinalalagyan mong hawla.
Kami'y mangiyak-ngiyak nang maglaom,
Dahil sa wakas, nagawa mo ng maghilom.



^//*

Juan's Note:

Hello guys!! Goodmorning😚 This ks my last update siguro huehuemwe. I hope you al guys enjoyed reading this. Bear with my errors, i'll edit it if i'm done completing this poem collection☺

Message:

To all the people who's now healed, I wanna congrats you all because you did it! You made it! To all those people who haven't healed yet, you can do it. If there is no lne by your side right now always remember that God will always there for you, just pray☺ Have a nice day ahead! Goodmorning😍

From: LazyJuan ^^,33❤

SA BAWAT TUGMAKde žijí příběhy. Začni objevovat