// 2. Will he call me?

8.5K 109 3
                                    

May new update ako sa One Shots Collection ko. Bad Guy pakibasa na lang xD hahaha!

___

Nakatingin lang siya sa resume ko at nagtanong.

"2 years ka palang company driver? So, bakit ka wala na ngayon doon?"

"Iba po kasi ang kalakaran pag delivery truck ang minamaneho. Ayoko naman sanang umalis pero lagi kasi akong wala nang time, lagi pa kaming nakokotongan ng mga pulis."

"Talaga? Anong truck ba 'yun? 10 wheeler? I think hindi naman."

"Hindi naman po. 6 wheeler lang."

"Nag hanap ka na lang ng iba?"

"Opo! Ayoko naman pong magsinungaling, Pero kailangan ko po talaga ng trabaho."

"Baka naman maarte ka lang? Hindi kaya? Nagdadalawang isip tuloy ako."

"Ayoko na po sanang maging driver pero dahil nabalitaan ko pong kailangan niyo, nag try lang ako. Saulado ko na po ang pasikot sikot dito kaya tingin ko naman, kahit saan niyo gustong pumunta, kayang kaya ko nang hindi niyo na kailangan pang ituro. Makakaasa po kayo ng magandang serbisyo, pangako 'yan sir."

"Nangangamba kasi ako. Baka isang araw bigla kang umalis, nangangailangan kasi kami na tatagal. Bata ka pa, kaya pwede kang tumagal, hindi naman ako madamot, kung naghahanap ka ng sweldong malaki, I think hindi ka pwede dito. Magaan lang naman kasi ang trabaho."

"Hindi po ako tumitingin sa sahod. Binata pa naman ako. Hindi naman ako nakatungtong ng college para umasa na makakakuha ng malaking sahod. At isa pa, mahirap makakuha ng trabahong matino ngayon."

"At wala nang kumpanyang tumatanggap ng regular, kung meron man, kailangang walang late at maganda ang performance mo. Sa libo libong magaganda ang performance, swerte kang palarin na maregular."

"Alam ko po 'yan sir. Desidido po talaga ako dito, Pwede niyo akong tanggalin kung gusto niyo kung hindi niyo ako magugustuhan."

"Talaga lang ah." Tumingin siya sa'kin na tila nagdududa. "Okay, Tatawagan na lang kita but it doesn't mean na wala kang pag-asa. Actually tatlo kayong nag-apply at ikaw ang gusto." nakipag kamay siya sa'kin. "Ako nga pala si Kurt. Nice meeting you, Dennis."

Nakipag kamay naman ako

"Salamat po, sir."

"Wag ka nang mag 'po' sa'kin. Baka mapagkamalan akong pusher pag tinawag mo akong 'po sir' I'm just 35 years old."

Muntik na akong matawa kaya ngumiti na lang ako. Siguro dahil narin sa respeto ko kaya pinakita kong natuwa naman ako sa korning joke niya.

"Sige sir. Salamat, aalis na ako."

Umalis ako at hindi ko talaga pakay na maging driver habang buhay. Sabi ko lang na gusto ko ang trabaho para matanggap ako. May time na ako sa Girlfriend ko dahil pag family driver sa apat na tao at kambal na pitong taon pa lang ang dalawa, Hindi ako mahihirapan. Tapos may maganda ka pang amo na sexy manamit. Masungit nga lang. Hindi kaya kunyari lang na tatawagan niya ako para hindi ako madismaya? Okay lang na huwag niya akong tawagan, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho kung ayaw niya sa'kin.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]On viuen les histories. Descobreix ara