// 46. The Final Talk

3.2K 47 8
                                    

Nasa isang resto ako. Kinakabahan ako. Ano kaya ang itsura ngayon ni Kurt? Parang excited yata ako na ewan. I don't even know if what are we going to talk about? Does he need an agreement?

Hanggang sa lalo akong kinabahan noong dumating na siya. Nakita ko ang kotseng ginagamit niya. Napayuko ako lalo na nang mapansin niya ako. Lumapit siya at umupo sa harap ko. Ganito pala ang feeling nang marealize mo ang lahat. Nakalimutan mo na ang feeling ng masaya sa feeling ng mahal mo at iisa lang ang sinasabi ng puso at isip ko.. mahal ko si Kurt at sana naisip kong mangyayari ito nung una pa lang.

Wala naman siyang dalang papel. Ang alam ko magpipirmahan kami.

"So, what's on your mind?" napatingin ako sa sinabi niya.

"I-I don't know." wala akong masabi. Blangko talaga ang utak ko. Hindi ko pinag-isipang maigi ang mga sasabihin ko. Wala na din naman kasing paraan eh. Hindi ito interview sa trabaho na kelangang impressive ang sagot mo.

"Alam mo ba Carla, sobrang minahal kita at wala sa isip kong magagawa mo ang lahat." andoon 'yung galit sa boses niya kahit mahina at mahinahon.

"I'm sorry." wala talaga akong masabi. Nahihiya na din ako sa itsura ko ngayon. Walang make-up at sobrang simple. Unlike before. I'm so wasted now.

"I don't know if you did it for the first time but..." napatingin ako sa kaniya. "Mas gusto ko na ngayon mo lang ako niloko."

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya dahil mabigla ako sa sinabi niya. "Kurt! I swear--"

"Wag na nating pagtalunan 'yan, maghihiwalay na naman tayo kaya hindi na importante."

"But I swear, ngayon ko lang...." hindi ko na tinapos ang sinasabi ko at napahawak ako sa ulo ko. Napayuko.

"I was crying last night and my brother saw me in an awkward moment. I told him the truth at galit na galit siya sa'yo. He adviced me na tanggalin ang galit sa puso ko dahil kahit anong mangyari ay never nang mababago pa ang lahat." I must say na ito na ang pinakamalaking problema ko sa buhay. I think lahat sila galit na sa'kin. Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang sa lamesa, napapikit sa sinabi niya. "Tinanggal ko na ang galit kaya ang mga naisip ko ilang araw ang nakalipas ay binago ko na."

Huminga ako ng malalim. "Kurt, can I request our kids?"

"Yan nga ang pag-uusapan natin." tumigil ako at handa nang makinig. Kinabahan ako, wag naman sana. "Every weekend sa'yo ang mga bata at habang wala pa akong asawa o ikaw ay, magpapatuloy parin ang marriage natin. Hindi ko ito ipapawalang bisa. Bawal kang mag pakasal o pumatol sa iba hangga't ang kasal natin ay hindi pa napapawalang bisa. Kaya kung plano mong ituloy na pakikipag relasyon kay Dennis ay itigil mo muna." Na shock ako pero tumutol ako sa huling sinabi niya.

"Kurt, kung ano ang kasalanan ko sa'yo, hanggang doon na lang at hindi ko na dadagdagan pa," nagkatinginan kami. Ngumiti siya.

"Mabuti kung ganon dahil ayoko nang magkunwari. Mahal parin kita Carla," My heart was beating so fast when he said that. Masaya ako. "Pero hindi ko na kaya pang tanggapin ka dahil nandidiri ako sa'yo."

I'm sorry.

"Hindi ko planong mag-asawa agad hangga't mahal pa kita Kurt. Ikaw ang buhay ko."

"Hindi mo ako minahal."

"Minahal kita."

"That's impossible!"

"No matter what you say, ang lahat ng nagawa ko ay pinagsisisihan ko na. Tapos na kami ni Dennis bago mo pa malaman."

"Really? Okay, dahil sa mahal kita, hangga't wala kang trabaho ay bibigyan kita ng pera. Ang join account natin ay pag hihiwalayin ko. Bibigyan kita ng panibago. Asawa mo parin ako kahit hiwalay tayo kaya gagawin ko ang dapat bilang mag-asawa. Wala kang problema pero..."

Kinakabahan ako sa pero niya. My god!

"Sa tingin ko kailangan kong magtrabaho."

"It's up to you, but kailangan mong pumirma para sa anulment kung sakaling may gusto akong pakasalan."

"Kurt!"

"Hindi pa naman ngayon. Plano ko 'yan sa hinaharap. Hindi pwedeng hindi na ako mag-aasawa and I don't wanna end up nothing. Pero hindi pa naman ngayon."

"Kurt, please, bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Please!"

"Hindi na. At umuwi ka na sa inyo para matapos na. Alam na nila ang lahat. Hindi pwedeng hindi ka uuwi dahil doon sa inyo ko ipapahatid ang mga bata. Ayoko sa kung saan lang."

"Kurt!"

"Aalis na ako."

Tumingin ako sa kaniya ng diretso at inagaw ko ang kamay niya. "Kurt, mag-usap pa tayo."

Pero tinanggal niya at umalis na. Naiwan akong nakatungo sa lamesa at wala akong paki kung makita man nila akong umiiyak.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now