// 26. It's Nothing

4.4K 50 3
                                    

Jhen's POV

"Hey!" sabi ko dahil hindi namalayan ni Dennis na nasa kwarto na niya ako at siya ay busy sa tablet niya.

"Ikaw pala." Tumingin lang saglit.

"Opo! Parang hindi mo ako ina-abangan ah."

Napansin ko ang grocery sa gilid ng kama.

"Kanino 'yan?" tanong ko at tinignan ang malaking plastik.

"Galing kay sir 'yan."

Sinilip ko ang laman. Ang daming noodles at delata at iba pang kung ano ano.

"Ang bait talaga nila sa'yo ah. Wow! Good. Hindi ka na gagastos para bumili sa labas." Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya. Pinatay niya ang tablet at tumingin sa'kin.

"What time ka uuwi?"

"Hanep sa tanong ah. Hindi mo ba ako namiss?!"

"Namiss kita syempre."

Kinapa ko ang phone ko at nagtext ako kay ate Carla para magpasalamat. Hindi ko naman kasi kaclose si kuya Kurt.

To: Ate Carla
Hi ate. Thanks sa grocery na galing kay kuya. Malaking tulong kaya para kay Dennis kasi makakatipid siya sa gastusin.

"Sino tinext mo?" tanong ni Dennis sa'kin.

"Si ate Carla lang."

"Ano ang sabi mo?"

"Nagpasalamat lang." niyakap ko siya dahil sobrang namiss ko si Dennis. Ilang araw din kaming hindi nagkita.

Pinagbigyan naman niya ako sa gusto ko dahil alam kong gusto din naman niya pero parang may iba akong nararamdaman ngayon. Minsan talaga ang mga lalake ganiyan. Baka tamang hinala lang ako dahil iba ang kilos niya ngayon. Hindi kasing init noon. Okay lang, minsan lang naman siguro. Hindi ko alam na nagreply na pala si ate Carla.

Reply: Oo, bonus niya yun. Baka regular ko na siyang ibili ng grocery. Basta wag lang siyang mag-bago.

Me: Okay ate. Ikaw pala ang bumili, akala ko si kuya Kurt.

Sabagay, wala namang problema kahit si ate Carla pa ang bumili.

"Si ate Carla pala ang bumili ng grocery mo eh." sabi ko pero wala naman sa'kin 'yun. Ang mahalaga meron siyang pagkain.

"Oo nga. Siya talaga ang may gusto. Baka kasi ano ang isipin mo."

"Ano naman ang iisipin ko?"

"Wala. Biro lang." ngumiti lang siya.

"Baka ikaw may babae ka ah." biniro ko lang pero hindi talaga ako seryoso sa tanong ko.

"Wala naman akong babaeng nakakausap ah. Atsaka si ma'am lang ang babae na kasama ko. Imposible naman."

"Galit ka agad? Biro lang."

"Inaantok na ako eh. Maaga akong gigising bukas."

"Ang aga pa naman. 8 pm pa lang? Pwede pa nga tayong mamasyal sana."

Kinuha ko ang tablet niya pero inagaw niya.

"Wag mo ngang papakialaman 'yan."

"Titignan ko lang 'yung mga pictures."

"Wala akong bago."

Napasimangot ako dahil ang sungit ni Dennis ngayon. Nagreply na pala si ate Carla.

Reply: Kasama mo ba si Dennis ngayon?

Me: Oo ate. Uuwi na din ako mamaya.

Reply: Ano ginawa niyo?

Nagtanong pa si ate. Parang hindi naman niya alam.

Me: Si ate talaga. Alam mo na haha!

Reply: Maganda pala ang tulog mo ngayon?

Me: Medyo pero naiinis ako kay Dennis. Ang sungit niya ngayon.

Hindi na nagreply si ate Carla at umuwi na ako maya maya din. Tinawagan ko si Sheena. Kaibigan ko sa trabaho.

"Ano balita? Bakit absent ka?" tanong ko.

"Wala, masama pakiramdam ko eh. Naiinis ako sa boyfriend ko."

"Bakit?"

"Nag-iiba siya ng kilos. Dati dati ang sweet niya ngayon hindi na. May sakit pa naman ako pero parang wala siyang paki. Hindi man lang ako dalawin."

"Ganun naman yata talaga ang mga lalake. Minsan moody din."

"Hay naku ewan. Baka nga daw may ibang babae."

"Wala siguro. Ikaw talaga. Tamang hinala."

Bakit naman niya iisipin 'yun? Hindi naman lahat ng ganun may iba na. Naniniwala akong walang babae si Dennis dahil kung lahat ng ganun ay senyales ng may ibang babae sila. Paano na si Dennis? Hindi ako naniniwala.

Ilang araw ang lumipas. Nag balik na si Dennis at buti na lang ay nasa mood na siya kaya wala na akong dapat ipag-alala pa. Medyo busy siya lagi sa tablet niya pero okay lang sa'kin na may libangan siya. Kesa babae ang libangan niya. Alam kong andiyan si Cheche na kasambahay nila ate Carla pero alam kong hindi siya papatulan ni Dennis at alam kong binabantayan naman ni ate Carla si Dennis kaya kung may kakaibang kinikilos si Dennis, ipapa-alam agad sa'kin 'yun ni ate Carla.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now