// 21. Guilt

6K 55 7
                                    

Carla's POV

Hindi ako makapaniwala. Akala ko malabo pero nangyari na. Alam kong lasing lang si Dennis pero bakit pumayag ako? Kailangan ko siyang maka-usap sa Lunes. Umuwi ako at nagdadasal na sana tulog na si Kurt. Dahan dahan kong pinasok ang motor at hindi ako gumagawa ng ingay. Sa malayo pa lang patay na ang makina. Dumiretso agad ako sa cr para maligo. Baka maamoy ako ni Kurt pag higa ko.

After nun ay kumuha ako sa sinampay ng damit, nagbihis. Habang nagbibihis ako sa cr ay napapikit ako. Naaalala ko ang ginawa namin ni Dennis. Ibang iba siya kay Kurt. Tama nga si Jhen pero mali 'yun. Hindi na sana maulit pa pero hindi ako makapangako kahit sa sarili ko. Oras na yayain ako ni Dennis, I think hindi ako makakatanggi kaya kailangan naming mag-usap.

Dahan dahan akong pumasok sa kwarto at humiga. Tumalikod ako kay Kurt na rinig kong naghihilik pa. Buti naman. Dalawang oras yata bago pa ako makatulog. Kaya nang magising ako ay 8 am na. Inaantok pa ako. Wala si Kurt sa tabi ko. Nasaan na kaya siya?! Oo nga pala, kadalasan nga pala kasama niya ang kambal sa umaga. Hindi na niya ako ginigising pag Linggo. Hapon din kami kasi magsisimba.

Kinakabahan akong lumabas. Nakita ko sila na nanonood ng tv.

"Mommy!" bati ni Karyl.

"Kumain ka na diyan!" sabi ni Kurt.

Wala silang alam sa ginawa ko. Hindi ko alam kung paano tatanggalin ang guilt sa'kin. Wala akong ganang kumain kaya uninom na lang ako ng gatas. Sumama akong manood ng tv pagkatapos. Wala namang kakaibang nangyari sa maghapon, bukod sa naguiguilty ako. Nagsimba at namasyal kami. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip ni Dennis ngayon. Hindi ako magrereply sa goodmorning, goodafternoon at goodevening ni Jhen. Guilty talaga ako pero walang makapansin dahil wala silang idea.

__

Dennis' POV

Wala akong kagana gana ngayong maghapon. Buti na lang medyo nagalit si Jhen sa'kin kaya hindi kami nagsex. Dinahilan ko ang hangover ko kaya kunyari wala akong mood sa lahat ng bagay. Nainis lang siya kasi minsan na nga lang daw kami maggagala, wala pa ako sa kondisyon. Pwede naman daw maging kondisyon ako kung gugustuhin ko. Sabagay, tampo lang 'yun, walang magiging problema. Ang hindi mawala sa isip ko ay 'yung ginawa ko kagabi. Malakas ang loob ko kasi naka-inom ako. Pero kaya lumakas ang loob ko ay nararamdaman kong bibigay si ma'am sakin ng oras na 'yun, Oo lasing ako pero natatandaan ko ang lahat. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako o ano.

Kailangan kong maka-usap ng personal si ma'am. Kung magsisi man siya, handa akong magresign dahil hindi kakayanin ng konsensya ko ang nangyari.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now