// 6. My First Day

5.6K 85 6
                                    

Dennis' POV

"Nakakainis ka naman Dennis! Bakit mas pinili mo pang maging driver? Malamang tinigasan ka lang sa asawa ng amo mong hayup ka." Hay naku, sabi ni Jhen sa'kin. Kausap ko siya sa phone.

"Parang ang hussle kasi sa pabrika na 'yun eh. Mas maigi pang driver na lang ako. Alam mo ba na pinaliwanag na sa'kin ang lahat. Napakadali. Maghapon akong tutunga-nga kapag wala silang lakad. Mas may oras ako sa'yo magchat."

"Madali nga, pero ang liit ng sahod! Magkano? 1.5k a week? Sus! Doble ng sahod sa inayawan mo."

"Hindi naman ako pagod atsaka alam mo ba na mas may time nga ako sa'yo pag naging driver ako."

"Sana man lang, inuna mo muna 'yung pabrika. Nakakainis ka. Paano ka magkakatime sa'kin? 7 am to 8 am ang trabaho mo."

"Hindi ako pagod. Maging mabait lang daw ako, libre hulog sa SSS. Isa pa, wala akong gagawin maghapon kung hindi itext ka o tawagan. Libre pa pagkain. Para lang akong nakatambay na sasahod."

"Tamad ka kasi tapos text?! 'Yan ang pinag mamalaki mong time sa'kin? Ano magagawa ng text? Ikaw ang gusto ko. 8 hours lang ang pasok mo sa pabrika. Mas may time tayo."

"8 hours lang! Isang oras ang byahe. Isang oras ang breaktime. Pagod pa. Baka mag overtime pa. May time ako sa'yo pero pagod ako? Sex nga ang time ko hindi text, kaso wala na akong lakas. Marami pang babae ang umaaligid na puro hiwalay sa boyfriend. Gusto mong matukso ako?"

"Hay naku. Kapag ayaw ang daming dahilan. Bahala ka. Sige, basta 'yung obligasyon mo sa'kin ah. Ayokong magbabago ka. Kapag kumonte ang gatas mo lagot ka sa'kin."

"Oo na."

Natapos ang pag-uusap namin. Alam ko na kung anong obligasyon 'yun. Sira siya. Mabait lang sa iba pero nasa loob ang kulo. Ibuking ko kaya siya sa mga kabarkada niya.

Pero okay lang. At least, mahal na mahal niya ako. Medyo nagustuhan ko kasi ang offer ni Sir eh. Pag tumagal daw ako, marami akong bonus. Excited ako sa bonus na 'yun. May benefits pa. Maging tapat lang ako, baka magkaron din ako ng pag-ibig.

Pag-ibig para magkasarili kaming bahay. 6 months lang kasi ang pabrika. Baka hindi na ako makakita ng ganito pag katapos ko doon.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nakareceive ako ng text.

From Sir Kurt:

Goodluck Dennis. Basta wala kang gagawin kundi magdrive lang ah. Your very first day so you will give your best to your ma'am Carla. Sa una masungit siya kaya kailangan mong maging mabait. Understood? Hindi naman niya alam na nagtext ako eh. I gave you an advice lang.

Halata naman na masungit ang asawa niya. Sana nga pag tumagal maging komportable ako sa kaniya. Nagreply na lang ako.

Reply: Salamat sir. Sanay ako sa mga ganiyan. Wag po kayong mag-alala.

6:30 pa lang nasa house na nila ako. Mahirap na, baka sabihin unang araw ko pa lang, eksaktong oras agad ako dadating. Pinag buksan ako ng gate ni Cheche.

"Pasok ka." ngumiti siya.

"Salamat."

Sumunod ako sa loob. Medyo nahihiya pa ako.

"Ma'am!! Andiyan na po si Dennis!" anlakas pa ng pagkakasigaw ni Cheche.

Ganiyan ba sila kaclose? Parang nanay niya 'yung tinatawag niya.

"Upo ka muna diyan." sabi niya at umupo ako sa labas.

Lumabas na si ma'am Carla para tignan ako. Sumilip saglit at binuksan ang pinto.

"Ang aga mo naman. 7 am pa ang alis namin. 7:20 am kasi talaga ang time nila. Next time kahit exactly 7 am ka na pumunta." sabi niya na parang ako pa ang mali.

Okay lang naman maghintay. Hindi naman ako mainipin. Ang ganda ni ma'am. Hindi nakakasawang tignan. Sabagay, gwapo naman si sir. Bagay sila. Pero ang pinagtataka ko lang. Bakit napaka simple ng suot niya. Halatang basa pa ang buhok niya eh, katatapos lang maligo. May kwelyo pa. Simpleng pantalon lang ang suot. Mali pala ang akala ko na sexy siya manamit. Baka sa loob lang ng bahay. Para sa asawa lang niya ang katawan niya.

Tama nga, nakakainip mag hintay ng kalahating oras. Oo nga pala. Imposibleng walang wifi 'to sila. Mamaya ko na lang aalamin. Sabi naman ni sir na tatambay lang ako dito maghapon. Hindi naman pwedeng ipagdamot pa nila 'yung password.

Binigay na sa'kin ang susi at sumakay na ako ng kotse. Lumabas na ang mga bata.

"Hi po!" sabi ng isang batang babae. Kamukhang kamukha ni ma'am.

Nakasimangot naman ang lalake. Kambal nga pala sila.

"Carlo, you have to try to smile. Wag kang badtrip ah." sabi ni ma'am. Tinotoyo yata ang isang ito.

Nginitian ko lang sila. Sumakay na sila lahat at umupo sa unahan si ma'am. Okay lang naman lahit sa likod sila lahat. Binuksan ni Cheche ang gate at pasimpleng ngumiti sa'kin.

"Bye!!" Kanino siya nagpaalam? Parang sa akin lang yata.

"Hoy! Wag kang malandi ah." Saway ni ma'am at tumawa lang si Cheche. Kasambahay ba talaga siya?

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now