// 10. Sadness

4.6K 74 5
                                    

Carla's POV

11:00 am na. Andito na kami ni Dennis sa school. Naabutan namin na kumakain si Erich. Naging close na kasi si Dennis at Erich kaya sumasama sa'kin si Dennis sa loob ng school para hindi siya maboring.

"Kain ka Dennis!" alok ni Erich. That girl, hindi man lang ako inalok ng kinakain niyang frenchfries.

Marami kasing nagkalat na nagtitinda ng mga street foods sa labas kaya minsan bumibili kami.

"Sige, kaya mo nang ubusin 'yan." sagot ni Dennis.

Masyado lang namang pormal ang pansinan namin ni Dennis. Hindi tulad ni Erich. Nagagawa niyang makipagbiruan dito.

"Baka mawalan ng gana 'yan mamaya." sabi ko.

"Kanino?" tanong ni Erich sabay ngumiti ng pasimple.

"Baka hindi maubos ang kanin sa bahay dahil inuna pa 'yang frenchfries mo." sagot ko dahil nainis ako. Tangatangahan lang ang peg ni Erich.

"Akala ko sa girlfriend niya!"

"Loka loka ka talaga."

"Wala na kaming time sa isa't isa. Work kami pareho." isa pa 'to. Sinakyan pa ang pangit na joke ni Erich.

"Walang time? Patay tayo diyan. Mahirap 'yan." gagang Erich 'to. Ayaw paawat.

Sabagay, sanay na ako diyan kay Erich. Maigi na din 'yung nakilala niya si Dennis. Atleast, nalimutan niya 'yung bolero niyang katextmate. Medyo may part nga lang sa pangyayaring ito na ayokong mangyari. Balak ni Erich kasi minsan na makainuman si Dennis. Kung hindi ko na talaga siya kayang awatin pa, maigi na 'yung si Dennis na 'yung patulan niya. Sana lang 'wag dumating 'yung time na magkagulo.

Alam ko kasing baka dumating 'yung time na manlalaki na talaga 'tong si Erich at si Dennis nga ang maging lalake niya. Madadawit ako pati ang girlfriend ni Dennis. Kaya hangga't maaari, aawatin ko si Erich na gumawa ng kalokohan hangga't kaya ko.

Pag-uwi namin ay nakipaglaro lang si Dennis sa mga anak ko.

"Kuya Dennis naman!! Bakit mo binura 'tong Candy crush." pag mamaktol ni Karyl dahil favourite niyang laruin 'yung Candy crush.

"Iba na lang laruin natin." sagot naman ni Dennis. Gusto kasi ni Karyl na sabay silang naglalaro ng Candy crush.

Minsan pinagpapasalamat ko rin na si Dennis ang driver namin dahil nagagawa niyang sabayan minsan ang hilig ng mga anak ko. Mahilig siya sa internet kaya alam niya ang mga viral ngayon. Nang makatulog na ang mga anak ko ay balak kong kausapin si Dennis tungkol kay Erich. Lumapit ako sa kaniya. Napansin ko na nakatingin siya sa seksing babae sa facebook.

"Sino siya?" tanong ko.

Nagulat lang siya pero sumagot naman.

"Girlfriend ko."

"Well, magkasing katawan kami I think. Sa kaniya ko na lang ibibigay 'yung mga damit kong hindi ko na sinusuot but mga bago pa naman at tingin ko magugustuhan niya."

"Talaga po ma'am. Salamat."

"Pansin mo ba ang kinikilos ni Erich?"

"Wala sa'kin 'yun ma'am."

"Naghahanap ng lalake. Seaman kasi ang asawa."

"Sinabi nga niya sa'kin sa text."

Magkatext na sila?

"Ganun ba? Ang akin lang, hangga't maiiwasan mo, umiwas ka ha. Mahirap na eh. Baka pati ako madamay."

"Hindi ko naman kayang gawin na patulan siya ma'am. Iiwasan ko talaga siya."

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now