// 3. My Girlfriend Jhen

7.2K 101 5
                                    

"Hello Jhen!" sabi ko ng tawagan ako ng girlfriend ko.

"Hello, Dennis, I miss you, ano na balita sa inapplayan mo?"

"Hindi pa sure eh, tatawagan pa ako."

"Wag mo nang ituloy, marami pa naman' aapplayan."

"Pag tinawagan ako, itutuloy ko. Sayang eh."

"Para kasing hindi bagay sa'yo ang trabaho, bagay ang trabahong 'yan sa mga may edad na. Sabi sa'kin, 'yung misis daw ang ipagmamaneho mo. Eh mukhang magkasing idaran lang kayo nun."

"Ano naman ngayon?"

"Wala lang. Gustong gusto mo kasi maganda."

"Kung gusto ko man kasi maganda siya, wala ring mangyayari dahil may asawa na siya."

"Hindi ako magseselos, ang akin lang, sira ulo ka. Bahala ka kung gusto mo pero 'wag ka nang umasa, once na sinabing tatawagan ka na lang, hindi siya interesado."

"Naisip ko na rin 'yun."

"Atsaka maliit lang yata ang sweldo."

"Hindi naman sinabi pero nagpahiwatig na siya na maliit nga ang sweldo."

"Mag apply ka muna sa iba."

"Sige, basta pag natawagan ako, dun muna ako. Sabi niya kasi hindi daw siya madamot. Medyo naging interesado ako sa sinabi niya."

"Bahala ka."

Sinusuportahan naman ako ng girlfriend ko kaya kahit papaano, okay parin ako kahit walang work pansamantala. Pero sa lalong madaling panahon kailangang magkatrabaho ako, nakakahiya na sa pamilya niya. Umuwi ako ng bahay at nanood ng TV. Iniisip kung makakapasok ba ako sa inaplayan ko. Walang sinabi sa'kin kung papaanong trabaho ba ang gagawin ko. Malamang ihahatid ko sa school ang mga bata. Sasamahan ang misis niya kahit saan ito mag punta. Pag may lakad silang pamilya, ako ang driver. Ano pa ba?

Tapos 'yung kasambahay pa, mukhang malandi. Mapapalaban ako nito dahil hindi malayong sa titig pa lang niya, may gusto siya sa'kin. Sino sino kaya ang mga nag-apply pa? Parang ayaw nila sa'kin, 'wag na nga lang. Ayoko nang umasa.

Kinabukasan dinalaw ako ng girlfriend ko.

"I miss you." bungad niya pag pasok niya sa inuupahan kong maliit na bahay.

Gaya ng madalas mangyari, nagsesex kami. Kulang na lang talaga sa'min ay kasal. Kaya kailangang mag ipon ako. 19 pa lang siya pero nagtatrabaho na. Hindi pa namin balak mag-asawa pero baka bigla siyang mabuntis. Okay lang naman sa pamilya ko sa probinsya na mag-asawa na ako pero mas gusto kong makatulong sa kanila hangga't kaya ko. Mahirap lang kasi kami tapos nag-aaral pa ang kapatid ko.

"May alam akong aaplayan mo." sabi sa'kin ni Jhen, pareho pa kaming nakahubad at nakahiga.

"Saan?"

"May kakilala akong may alam na maaapplyan, nangangailangan daw ng maraming tao sa pabrika na alam niya. Ipasa mo lang ang resume mo at sure daw na makakapasok ka dahil ako ang nagpasok sa'yo."

"Sige, bukas din."

Araw araw kaming nagkikita kaya kailangan ko na talagang magkatrabaho para hindi na lumala pa. Isang araw mabubuntis siya kung araw araw kaming nagkukulong dito sa freetime niya. Kailangan kong maging busy para kahit papaano, Lumiit ang oras namin sa sex. Ayoko pa kasing mag-asawa. Pero mahal ko si jhen. Ayokong mapupunta siya sa iba at malaki ang tiwala ko sa kaniya na ako lang ang mahal niya.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now