// 18. So Close

4.4K 57 3
                                    

Dennis' POV

Naidlip pala ako. Teka tumatawag na si ma'am.

"Hello Dennis."

"Oh ma'am?"

"Andito ako malapit sa inyo. Lumabas ka."

Hindi nga?

"Sure ka?!"

"Mukha ba akong nagloloko? Bilisan mo, nilalamok ako."

Dali dali akong nagsuklay at sumilip sa labas. Nakita ko na may babaeng nakatayo at kumaway sa'kin. Wala nang masyadong tao. Bakit kaya tinotoo ni ma'am na mag punta? Lumapit ako at napansin ko na katabi niya ang motor.

Ngumiti siya sa'kin.

"Ma'am, akala ko nagbibiro ka lang. Nakatulog na nga ako eh."

"Nagbibiro? Kailan ako nagbiro?"

Wala akong masabi talaga? Ano ang gagawin namin? Hindi siya pwede sa bahay ko, ako lang ang tao doon.

"Ano na Dennis? Bakit natigilan ka?"

"Ma'am, sorry. Akala ko talaga nagbibiro ka lang. Kaya biniro na rin kita."

"Wala ka pala eh. Puro ka porma." Pero napansin ko na nakangiti siya. Nakapantulog pa siya.

"Hindi kaya hanapin ka ni sir?"

"Oo hahanapin ako nun."

Hindi kaya sinusubukan lang niya ako?

"Bakit naman tinotoo mong pumunta?"

"Sabi mo eh. Ano ngayon ang nasa isip mo?"

"Joke lang 'yun ma'am. Hindi ko akalain na seseryosohin mo." napakamot ako ng ulo.

"Akala mo naman seryoso ako? Boring lang ako kaya nag gala. But it doesn't mean na dito talaga ang punta ko!"

Nakakahiya naman. Ako pa pala ang lumalabas na seryoso. "Sabi ko nga eh."

Tinaasan niya ako ng kilay. Nakatingin lang siya sa'kin. Feeling ko, napahiya man ako. Tumaas ang level ng friendship namin. Saka ko naisip na close nga pala sila ni Jhen at naalala ko din na masaya siya sa love life niya. Bakit ba hindi ko naisip 'yun? Imposibleng mangyari ang iniisip nang maduming utak ko. Sabi nga ni Jhen bago ko siya maging girlfriend...

"Hindi lahat ng babae, kayang malinlang sa kapogian mo,"

Kaya medyo nag effort akong ligawan siya. Sumandal lang ako sa motor niya.

"Ano kaya ang iisipin nang makakakita sa'tin dito?" biglang lumabas sa bibig ni ma'am. Tumingin tingin sa paligid at naghikab habang nakaupo sa motor.

"Malay natin. Gabi na. Hindi ka naman siguro pupunta dito nang may nakakakita."

"Maybe. Nakakahiya nga naman di ba? Ayaw mo akong patuluyin sa inyo."

Ano ba 'to? Parang ang hirap naman tantyahin ni ma'am. Hindi ko alam kung nagbibiro ba o seryoso. Ano ang sasabihin ko? Alam ko na...

"Pangalawa ka pa lang na papasok sa bahay ko kung sakali. Wala akong babaeng pinapapasok doon. Bukod sa babaing willing sumama sa loob." bakit ba ayoko siyang direktahin na matino talaga ako? Dahil ba sa umaasa ako na matutukso siya sa'kin?

"Ah ganun? So, pustahan tayo, oras na pumasok ako diyan, tatameme ka!" totoo ang sinasabi ni ma'am.

Alam ko na. Kilala na niya ako kaya malakas ang loob niya.

"Ma'am. Kung ordinary friend kita at hindi kita boss tapos single ka, sa tingin mo, pupusta ka kaya?"

Tumawa lang siya na parang sumasang-ayon siya sa iniisip ko. Maaaring tinitesting niya ako pero ano ba talaga ang dahilan niya?

"Na point mo na pala ang nangyayari but the question is... How you explain what you were saying awhile ago? Sabi mo, santo lang ang hindi matutukso sa'kin."

Haay, sinusubukan talaga ako ni ma'am eh. Malapit na akong mapikon.

"Hindi naman porke sinabi ko 'yun, totoo na. Siguro sa ibang lalake totoo 'yun dahil maganda ka at sexy." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naiinis na kasi ako. "Pero sa sitwasyon natin, may pumipigil di ba?"

"Bakit ganiyan ka makatingin?"

"Wala. Gusto ko lang i-emphasize na sexy ka."

"Kaya kailangang may tinging factor pa?"

Naiinis na talaga ako. "Ma'am pwede ba? Normal lang siguro 'yun at kung titignan ko ang katawan mo, kahit nakakaloko pa, hindi ko rin makukuha."

"Are you sure sa sinabi mo?"

Ang layo naman ng sinabi niya. Parang may masabi lang. To the first time, mapipikon na ako.

"Bakit ma'am? Tama naman di ba?"

"You mentioned the word makukuha! Okay. May balak ka?"

Napatawa ako. Ngayon alam ko na kung bakit niya nasabi 'yun.

"Famous quotation ng mga babae 'yun ma'am di ba? Hanggang tingin ka lang, pero hindi mo makukuha."

"Dahil 'yun sa tingin na malisyoso ng mga lalake."

Humahaba na ang usapan. Nahihiya naman akong itaboy si ma'am o baka ayaw ko lang talagang matapos 'to?

"May pasok pa ang kambal ma'am pero ako okay lang akong mapuyat. Wala akong ginagawa. Wala akong ina-alagaan."

"It's already 12 midnight." tumingin siya sa cp niya.

Alas dose na pala?! Sabagay, naubos sa text ang oras namin kanina.

"Baka magising si sir."

"Oo nga. Uuwi na ako." sumakay siya sa motor.

"Pasensya na ma'am ah. Kung alam ko lang na pupunta ka, napaghandaan ko sana."

Inistart niya ang motor.

"Napaghandaan? Ano naman ang gagawin mo kung nalaman mong hindi ako nagloloko?"

Oo nga pala. Wala pala din akong gagawin.

"Ah kwan, sana nahintay kita."

"Sige na, bye na." ngumiti siya at umalis.

Hindi na ako nagtext at may nabasa akong text dahil hindi ako makatulog.

From: Ma'am
Good night.

Kinabukasan, medyo antok pa akong pumasok. Buti hindi ako nalate. Hindi kasi ako makatulog kakaisip kay ma'am.

Pagkasakay namin sa kotse ay nakangiti sa'kin si ma'am at bagong ligo. Sexy ng suot at ang iksi ng shorts. Sumakay siya sa harap at nakangiting hindi ako kinakausap. Nginitian ko na rin at pinahalata kong hindi ako nagtataka. Habang umaandar ang kotse ay umidlip siya. Halatang kulang pa siya sa tulog.

"Mommy, we're here na. Gising!" sabi ni Karyl. Dumilat si ma'am.

Pagtapos ay umuwi na kami gaya ng regular na nangyayari.

"Inaantok pa ako. Hindi ako makatulog kagabi. Bumili na lang kayo ni Cheche ng lunch ah. Matutulog muna ako." sabi ni ma'am at nakapikit pero nakaharap sa'kin.

Lumingon ako.

"Sige ma'am."

Hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha ni ma'am. Swabe! Ang ganda niya. Pero kung magkakatotoo ang iniisip ko na baka may gusto siya sa'kin, nakakahiya naman kay sir. At kung matutukso ako sa kaniya, kailangang hindi malaman ni sir. Ang dumi nang nasa isip ko. Nakatingin parin ako at nagulat ako, dumilat ang isang mata ni ma'am. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

"Hoy! Mabangga tayo ah." sabi niya.

Binawi ko agad ang tingin ko. Wala akong masabi. Narinig kong nagsalita siya.

"Pinagpapantasyahan mo ako Dennis ah." sabay tumalikod siya.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now