// 24. Lastly

5K 56 3
                                    

Dennis' POV

"Next time ka na muna pumunta. Nanlalambot ako." sabi ko kay Jhen dahil sabi niya pupuntahan niya ako.

"Panggabi na ako next week." Nakakainis naman.

"Masama nga pakiramdam ko. Ano ang gagawin mo dito?"

"Dennis! Ilang araw na akong hindi nakakapunta diyan? Wala na nga ako nung Sabado at Linggo dahil pagod ka sa pag iinom."

Ano kaya ang idadahilan ko? Plano kong itext si ma'am eh. Sure ako na makikipagkita siya sa'kin ngayon. Tumingin ako sa oras at 7:40 pm na.

"Please Jhen! Bukas na."

Bukas na? Okay lang. Gusto ko si ma'am ngayon. Kasalanan man pero last na 'to. Namimiss ko na kasi eh. Lasing ako noon at hindi ngayon. Mas mae-enjoy ko. Pero kung hindi man pumayag si ma'am, I think hindi siya magagalit sa'kin. Kailangan lang talaga na hindi pumunta si Jhen ngayon. Ang problema, binaba ko ang phone at ang tagal niyang magreply sa text ko. Nagtext si ma'am.

From: Ma'am
Nagtext si Jhen. Why does she ask me if you are in sickly looked?

Reply: Kasi sabi ko may sakit ako. Wala akong mood ngayon magpakita sa kaniya.

Ma'am: Oh maybe pagod kana. You may take a rest. I think you didn't give enough sleep last night.

Magkatext pala sila.

Reply: Nakabawi na ako. May tanong ako ma'am. Pero alamin niyo munang kaya ayokong magkita kami ni Jhen ay dahil sayo.

Ma'am: Why because of me? Anong tanong 'yan? Sinabi ko na kay Jhen na may sakit ka nga. Kaya pinadalhan kita ng gamot. Wag na siyang mag alala.

Ganun? Teka nagtext si Jhen.

From: Jhen
Matulog ka na. Bukas na ako pupunta. Aalagaan kita.

Nag okay lang ako sa kaniya at buti naman, hindi na siya pupunta.

Nagreply ako kay ma'am.

Reply: Salamat ma'am. Tanong ko lang, bali-wala na lang ba sayo 'yung nangyari satin noong sabado ng gabi? For the last time ma'am. Hindi ako mapakali. Gusto kong gawin uli natin nang hindi ako lasing.

Ma'am: Hindi ko ginusto 'yun. But aaminin ko na nag enjoy ako. Pero kung hihiling ka pa ng isa, parang sobra na Dennis.

Reply: Ayaw mo na ma'am? Sorry, pero hindi ko talaga malimutan yun.

Ma'am: Akala ko nalimutan mo kaya gusto mo pa umisa? So, sariwa pa yata sa ala-ala mo ang nangyari. That will be enough for us. Ang hirap mong pagbigyan. Namimihasa ka.

Nakakainis. Pero dahil sa pareho naman kaming gumawa ng kasalanan at handa naman akong umalis sa trabaho, I think hindi na ako mahihiya kinabukasan. Hindi ko alam ang irereply ko. Hindi pwedeng pilitin ko siya kung ayaw niya. Nakaramdam din naman ako ng hiya kahit papaano.

Reply: Siguro nga ma'am. Sorry talaga. Nakakabaliw ka lang siguro talaga. If I say goodnight, hindi ibig sabihin na matutulog na ako. Maaga pa at wala si Jhen.

Ma'am: Ano ba talaga ang gusto mong palabasin? Masyado kang apektado sa nangyari?

Hindi ko alam kung galit si ma'am sa reply niya na 'yan kaya mas maigi sana na nag-uusap kami. Pero hindi yata pwede dahil andiyan si sir.

Reply: Nagbaka sakali lang ako for the last time. Last na at wala nang kasunod pero mukhang ayaw mo kaya tama ka, mas maigi nang wag na lang.

Lumipas ang limang minuto. Wala parin siyang reply. Mukhang galit nga siya. Okay lang. Siya na mag pasya bukas. Alam kong mahal niya si sir at hindi siya sisira sa pagmamahalan nila kahit medyo natukso siya sakin. Hindi din siguro ako lang ang magiging dahilan ng hiwalayan nila. Nakakainis naman. Nag sisisi na tuloy ako kung bakit niyaya ko pa siya.

Pero tumawag siya.

"Hello ma'am!"

"Dennis, hindi ko tuloy alam kung ano gusto mong mangyari!"

"Baka marinig tayo ni sir, ma'am."

"Nasa room na siya at sure akong hindi niya ito naririnig."

"Ma'am, gaya nga ng sabi ko, nagbaka sakali lang naman ako."

"Hindi mo talaga gusto dahil kung gusto mo, gagawa ka ng paraan."

"Ano ibig mong sabihin."

Huminga siya ng malalim. Akala ko matatapos na pero hindi pa pala.

"Alam kong hindi ka pa sanay gumawa ng mga ganito."

"Bakit po?"

"Wag ka nga munang mag oopo sa'kin." Narinig kong huminga siya ng napakalalim. "Marami paraan para mapapayag ako."

"Hindi ako tulad ng iba na ubod nang manyak. Kuntento na ako kung ayaw ng babae. Pero ano ba ang gusto mo talaga ma'am?"

Huminga na naman siya ng malalim. Ngayon nag iba na ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko na hindi rin niya malimutan ang nangyari kaya naaamoy ko. Konting pilit lang pala siguro 'to.

"Kung last na talaga. Pwede kong ibigay sa'yo ang hiling mo."

Nagulat ako. Ngayon ko naisip na hindi pala pwede dito kami magsex. O pwede basta madaling araw. Napabalikwas ako.

"Pagbibigyan mo ako. Si-sige."

"Okay. Hihintayin ko lang makatulog si Kurt. Magkita tayo mamayang 11pm. Ibababa ko muna 'to. Hintayin mo muna ang text ko. Wag ka munang matutulog."

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now