// 20. Temptation

6.8K 76 3
                                    

Natuwa naman ako dun sa HashtagPatayTayoDiyan. Hahaha! Ihashtag na 'yan. Medyo bitin kada update. Pero salamat dahil may readers na. Pavote naman para medyo ganahan ako. Ang hina ko naman sa inyo xD sa isang daang readers kada ud, 4 votes lang? Simulan na nga natin. Hehehehe!

Chapter // 20

Carlas's POV

Kinagabihan ay nakausap ko ang asawa ko.

"Akala ko, gusto mong maka-inuman si Dennis?" tanong ko. Sana naman 'wag siyang magtaka. Ang akin lang, hindi ko pa kasi nakikitang lasing si Dennis. Wala naman akong ibig sabihin dun.

"Buti pinaalala mo. Paalala mo bukas. Iready mo 'yung alak ko diyan. Siguro naman hindi niya ako matatanggihan."

"Oo naman. Napaka walang kwenta naman niya maki-sama kung hindi ka niya pagbibigyan."

"Wag ka namang ganiyan hon. Malay mo may emergency date sila ng girlfriend niya."

Natawa naman ako dun.

"May ganun pala. 'Wag kang mag-alala, wala silang date."

"Pa'no mo nalaman?"

"Katext ko si Jhen everyday."

Minamasahe ko si Kurt. Ganito talaga ako maglambing then mauuwi na sa sex hanggang makatulog kami. He's a good kisser but  not good in sex as good as I need. But I've contended what he gave. I'm happy with that.

Tomorrow came. Madalas pag Sabado nasa bahay ako ng parents ko at syempre driver ko si Dennis kaya kasama ko siya with my kambal. Mas matrabaho para sa kaniya pag Sabado dahil kadalasan pag walang pasok ay ipinagmamaneho niya kami kasama ang mommy ko at mga kapatid ko.

Natapos ang maghapon ay umuwi na kami. Umaga pa lang naman ay alam na ni Dennis na mag-iinom sila ni Kurt kaya ready na siya sa pag uwi ng asawa ko.

"Ito nga pala ang alak na iinumin niyo." pinakita ko kay Dennis ang isang imported na alak.

"Wow! Sabagay, magtataka pa ba ako?"

"Hindi kasi umiinom si Kurt ng beer. Mas gusto niya itong ganito." pinunasan ko ang alak at nilagay sa lamesa. Nasa salas ako at nasa pinto lang si Dennis.

Sobrang bihira talaga kasi siyang pumasok sa bahay. Sabagay, wala naman siyang gagawin dito sa loob.

"Magrelax ka muna diyan. Hintayin mo ang sir mo." sabi ko at umupo na siya sa tambayan niya sa garden.

Dumating na nga si Kurt at nagstart na silang mag-inom. Bihira kasing magkaroon ng bisita si Kurt. Sa tantya ko, parang tuwing birthday lang niya may nag-iinom sa bahay at sa tuwing nag-iinom siya ay nakabantay lang ako.

"Ipapahatid na lang kita Dennis ah. Sa lagay mo kasi, parang ang hina mo." pang asar ni Kurt sa lasing na rin yatang si Dennis.

"Hindi na kailangan sir. Hindi ako weak kahit one week pa akong mag-inom." nagtatawanan lang sila.

"Itsura mo, Dennis. Umayos ka. 'Wag mong sabihing may time ka pang mag inom sa kabarkada mo? Halatang wala kang praktis."

"Sir naman. Noong manginginom ako, ako ang natitira sa lamesa."

Saka ko naisip na ganun pala si Dennis pag nakainom. Parang si Kurt. Ang yabang! Sabagay, a guy often gets to be boastful at the time of session pero panatag naman ako dahil hindi naman nakikipag away si Kurt. Ewan lang kay Dennis. Naku, takot lang niya sa Boss niya.

After a while ay tinapos na nila. Teka, ipapahatid daw si Dennis? Kanino? Ano ang gagawin ko? Dumiretso na sa kwarto si Kurt. Tumayo na si Dennis at...

"Uuwi na ako ma'am." sabi niya sa'kin at ngumiti. Naging mas cute pa siya dahil namumula ang mukha niya. Tulog na si Jhen kaya wala na akong katext.

"Cheche!!" tawag ko sa kwarto ni Cheche dahil gustuhin ko man na ihatid si Dennis ay 'wag na lang. Baka ano isipin ni Kurt.

Nagulat ako dahil lumabas si Kurt sa kwarto. Naistorbo yata sa sigaw ko.

"Why do you wake that girl up, she is asleep? Hindi ka na ba naawa?"

"Hello, hon!" nakapamewang ako. "Walang maghahatid kay Dennis. Nakakaawa naman 'yung kainunan mo, baka maaksidente!"

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang?" lumapit siya sa'kin at pinisil ako sa pisngi. "Sige na, 'wag ka nang maarte. Mabait naman si Dennis. Hindi ko na siya kayang harapin."

Medyo masaya ako pero inirapan ko si Kurt na kunyari napipilitan lang ako. Lumabas ako. Nakita ko na naka-upo na sa motor si Dennis.

"Hey! Ihahatid kita." ngumiti siya sa'kin.

"Wag na. Kaya ko naman."

Inagaw ko ang manibela.

"Inutusan ako ni Kurt. Mamaya masemplang ka pa. Konsensya ko pa."

Biglang may sumigaw sa bintana. Nakasilip si Kurt mula sa taas.

"Just faster! I'll wait for you." sabi ni Kurt. Ganiyan siya pag lasing. Pero ako parin naman ang nag eeffort.

"Shut the fuck up!" sabi ko at tumawa si Dennis. Iiling iling ako.

"Ma'am, 'wag na. Kaya ko na. Malapit lang naman."

"Pwede ba, Dennis?! Hindi kami matatahimik hangga't hindi ka pa nakaka-uwi ng ligtas."

"Nakakahiya naman." Mukhang kaya niya pero nakainom pa rin siya. Nag-aalala ako.

"Nagkaron ka pa ng hiya ah. Nakai-nom ka na't lahat." nginitian ko siya.

Wala na siyang nagawa pero sa hita ko siya nakahawak dahil medyo hindi balanse.

"Ma'am sorry ah. Nahihilo ako." isang kamay lang naman ang nakahawak sa hita ko. Okay lang sa'kin kahit naamoy ko pa ang hininga niyang amoy alak.

"Sige sige. Ayos lang." kunyari'y naiirita kong sabi.

Nakarating kami sa kanila at nasa pinto na kami.

"Pumasok ka na. Mamasahe ka na lang bukas. Wala akong gagamitin pauwi." sabi ko at ngumiti siya.

Huwag lang niya akong patutuluyin dahil ramdam ko sa mga haplos niya sa legs ko na may pagnanasa siya. Wala eh, lasing.

"Sige ma'am, papasok na ako. Ingat ka." tinapik niya ang balikat ko.

Okay. Wala siyang plano kung may madumi man siyang plano sa'kin. Tinagalan ko ang pag-alis. Bakit ba nanghihinayang ako? Bakit ba gusto kong pumasok sa bahay niya? Pagbukas niya ng pinto ay nakarinig ako ng galabog. Bumaba ako sa motor at nakita kong nakahiga si Dennis. Peste, nadapa pa. Balak ko siyang tulungan.

"Ma'am, 'wag na. Kaya ko na." pero parang wala akong narinig. Sumara ang pinto at inakay ko siya. Nang makatayo na kami ay nakaakbay ako sa kaniya.

'Yung isang kamay niya gumapang sa dibdib ko. Shocks! What's happening?! Nakaakbay din siya sa'kin at pagpasok namin sa room ay hinila niya ako. Hinawakan niya ako sa dibdib at hinalikan sa leeg. Hindi ako makagalaw.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Onde histórias criam vida. Descubra agora