// 36. Enough

3.6K 48 4
                                    

Pag-uwi ko napansin ko na naka-uwi na din pala sila Kurt.

"Hi Mommy!" Bati ni Karyl.

"Where have you been?" tanong ni Kurt.

Wala sa kanila ang pag-iisip ko. Na kay Dennis.

"Wala, may pinuntahan lang."

"Are you okay?" tanong ni Kurt dahil binagsak ko ang katawan ko sa sofa.

"I'm okay."

Lumapit si Carlo. "Mommy, we're going to visit Lola's house. Nagtext daw si Lola sabi ni Daddy."

"Oo nga pala." Kurt said and lumapit sa'kin. "Doon na tayo maglulunch. Let's go."

Hinihintay na lang pala nila ako but ayokong umalis, gusto kong mapag-isa. Magmomoment ako. Ayokong pumunta doon at magpanggap na masaya. So, sinabi kong sila na lang ang magpunta dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Pumayag naman si Kurt dahil kasama naman nila si Cheche.

After muntik naming mag-away ni Kurt ay ako na lang mag-isa dito sa bahay ngayon. Inis na inis ako. Nawalan ako ng gana sa lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong alam kong magkasama si Dennis at Rony. Gusto kong umiyak, pero mas pinili ko na lang na manood ng tv.

Umandar ang maghapon. Hindi ko tinitext si Dennis. Ano ang sasabihin ko? "Tapos na kayo magsex?" I don't wanna feel jealous. Absolutely I was that. After so many hours. Nagising na lang ako na sa kwarto na ako. May katabi akong pagkain.

"Hey, gising ka na pala. Kumain ka na?" nakita ko si Kurt na may inaayos at lumapit sa'kin. "Alam kong magigising ka so, I brought you foods." nakatingin siya sa'kin. "I know you're not feeling well so, I decided na 'wag ka nang gisingin. Pinatulog ko na ang mga bata para hindi ka maistorbo."

Oh my god! Biglang may nag flasback sa isip ko. 'Yung time na sa tent kami natulog at boyfriend ko pa lang si Kurt. Kasama namin ang mga kaibigan namin. When I said "I'm not feeling well." Gumawa siya ng paraan ng gabing 'yun para maginhawaan ako. Napuyat siya para makatulog ako ng maayos. Bakit ba bumalik pa 'yun sa ala-ala ko? Habang nakatingin ako sa kaniya, naalala ko si Erich. May sinabi siya sa'kin about sa mga taong tinatamad magyaya ng sex.

"Malamang kaya ang mayayaman kaya control ang pagkakaroon ng anak nila is because, they're not addicted in sex. Lalo na kung may nagyayaya naman, bakit pa mag eeffort na magyaya? Hindi umiikot ang mundo ng iba sa sex. Mas mahalaga ang ibang bagay even, kailangan din naman ng mag-asawa ang sex."

Ang daming pumasok sa isip ko. Naalala ko pa ang joke ni Erich. "Ang libog mo naman. Hindi ako magrereklamo sa asawa ko. Maliban na lang kung ayaw niya na akong kasex." tawa lang kami ng tawa that time. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako gagawa ng kalokohan at ngayon ko lang naisip na ginagawa ko na pala ang pinangako kong hindi ko gagawin.

Tatayo sana si Kurt at "I'm sorry." I said tapos hindi ako makatingin ng diretso.

Hinaplos niya ang buhok ko. "It's okay." Hinalikan niya ako sa noo. "Kumain ka na." lumabas muna siya ng kwarto.

Mahal ko si Kurt gaya ng pagmamahal niya sa'kin nung boyfriend ko pa lang siya. Doon ako umiyak dahil saka ko naisip ang lahat ng nagawa ko na. I'm sorry, Kurt. Ayoko na. Hangga't hindi pa huli ang lahat, hihiwalayan ko na si Dennis. Mahal ko si Kurt. 'Di baling mawala ang pinagkakatiwalaang tao ni Kurt basta buo ang pamilya namin. Pimikit ako habang may tumutulong luha mula sa mata ko.

Oh my god! Ano ba 'tong nagawa ko? Habang nakatingin ako sa pagkain, nararamdaman kong pinag-papawisan ako. I need to talk to Rony. Hindi ko alam kung paano sisimulan but I have to. Gusto ko ngayon na but I can't. Gabi na pala. Bukas ang pasok ni Dennis and I'm sure mag-uusap kami. Tama. Hihiwalayan ko na siya hangga't maaga pa. Tatapusin ko na ang lahat at habang hindi pa huli ay gagawa na ako ng paraan.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now