// 16. Awkward

4.2K 58 3
                                    

Dennis' POV

Huh? Nakatutok ang mukha ni ma'am sa mukha ko. Inalis ko agad.

"Ma'am sorry."

"Ah oh, okay lang."

Kinuha niya ang takip ng phone niya at umayos ng upo. Awkward muna kami ng ilang minuto. Nakakahiya naman. Hindi pwede 'to.

"Ma'am pasensya na ah. Sana kasi hinayaan mo na lang na pulutin ko." hindi ako mapakali dahil halos mag dikit na ang labi namin. Nakakahiya talaga.

Ngumiti lang siya at iniwas ang tingin sa'kin dahil nakatingin ako sa kaniya sa salamin sa harap ng kotse. Parang nag iisip siya ng malalim. Wala ba siyang balak sabihin? Hanggang nakarating kami sa school. Walang pansinan, si Erich lang ang kinakausap niya.

Bakit? Alam naman niya na hindi ko sinasadya. Inisip kaya niya na sinadya ko 'yun? Nainis siguro siya sa'kin? Umuwi kami at maya maya lang ay umalis sila. Ginamit nila ang motor.

"Ma'am! Saan kayo pupunta?" Tanong ko.

"Wala, may bibilhin lang."

Inangkas niya si Karyl sa motor. Mukhang may galit nga siya sa'kin. Naiwan kami sa bahay kasama si Carlo.

"Carlo, bakit hindi ka sumama?"

"Ayoko po."

Naiwan lang ako sa terrace at matapos ang kalahating oras ay bumalik na sila ma'am. Ako na ang nagbukas ng gate. Hindi parin tumitingin sa mukha ko si ma'am. May dala silang french fries at burger.

"Tito Dennis, susubuan kita." Hiling ni Karyl at lumapit sa'kin.

"Wag na Karyl, ikaw talaga."

"Eeh sige na tito Dennis." sabay nilagay niya sa bibig ko ang isang pirasong french fries. Ganiyan ka sweet sa'kin si Karyl kaso inaalala ko si ma'am.

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Ang ganda talaga ni ma'am. Hindi ko naman talaga sinasadya eh. Nagtext si Jhen. Sabi niya, katext daw niya si ma'am Carla. Ano kaya ang pinag uusapan nila? Balak pumunta ni Jhen sa bahay mamaya kaya mamaya ko na siya kakausapin.

Umuwi ako at nagkita kami ni Jhen.

"Ano ba ang lagi niyong pinag uusapan ni ma'am?" tanong ko.

"Secret!" lagot.

"Wag kang masyadong makapal kay ma'am ah. Nakakahiya."

"Ano naman tingin mo sa'kin? Mabait kaya si ate Carla. Halos pareho lang naman kami ng mga hilig eh. Bakit ba gusto mo bang malaman 'yung pinag-uusapan namin?"

"Wala lang. Baka kung ano ano ang sinasabi mo dun."

"Oo nga." tumawa siya. "Joke." sabay bawi niya. Nakatunog tuloy ako.

"Umayos ka ah. Baka masira ako doon. Medyo maganda nga ang paki-sama nila sa'kin."

"Sabi niya, 'yung tropa daw niya, may gusto sa'yo! Hindi na naman ako nagtataka na may magkagusto sa'yo. Pero sabi niya, babantayan ka daw niya dahil baka may gawin kang kalokohan."

"Sinabi niya 'yun? Ano ba ang pagkakakilala niya sa'kin?"

"Babaero!"

"Ewan. Ikaw, naniniwala kang magagawa ko 'yun?"

"Hindi ah. Kilala na kita. Kaya nga kita nagustuhan 'di ba?"

Alam niya kasi na hindi ako basta basta nagkakagusto sa babae. Ang kaso, iba si ma'am. Naaalala ko pa 'yung nangyari.

"Hoy bakit tulala ka?!" ginulat niya ako. Tulala pala ako. Ngayon ko lang napansin.

Alas diyes ng gabi. Wala na si Jhen. Nakareceive ako ng text.

From: Ma'am Carla
Andiyan paba si Jhen?

Hindi ba niya katext si Jhen?

Reply: Wala na po ma'am.

Ma'am: Ganun ba?

Reply: Pasensya na kanina ah. Hindi ko talaga sinasadya.

Ma'am: Ikaw naman kasi eh. Alam mo naman na gwapo ka diba? Sana mag ingat ka. Pwede mo namang sabihin na ikaw na ang pupulot. Para hindi ko na pulutin.

Teka, hindi ko maintindihan. Bakit kailangan pang sabihin niya na gwapo ako? Ano ang gusto niyang palabasin?

Reply: Sige ma'am next time.

Ma'am: Alam mo ba na hindi ko malimutan 'yung nangyari kanina?

Huh? Ako din eh. Salamat naman! Akala ko talaga galit si ma'am. Pero parang sumaya ako sa text niya. Gumagana ang isip ko pero hindi mo mapagana. Nag iisip ako ng irereply.

Ma'am: Wag mo nang pansinin 'yung sinabi ko.

Bakit naka dalawang text na agad siya. Nagtext ako kay Jhen.

From: Me
Katext mo ba si ma'am?

Jhen: Oo kanina. Matulog kana ah. Bakit gising kapa?

Me: Sige matutulog na.

Nagreply ako kay ma'am.

Reply: Nahihiya nga ako eh. Hindi na talaga mauulit. Sana ma'am, wag mo nang iparating kay sir.

Alam kong hindi na makakarating kay sir pero wala talaga akong masabi kay ma'am eh. Oras na rin ng tulog ko pero hindi ko masabi kay ma'am na matutulog na ako. Siguro naman siya na ang magsasabi.

Ma'am: Ano naman tingin mo sakin? Hindi ako ganun. Parang ginusto ko na magalit siya sakin pag sinabi ko pa sa kaniya.

Teka! Sabi ni Jhen. Kanina niya katext si ma'am. Posibleng alam ni ma'am na umalis na siya pero bakit tinatanong pa niya ako? Alam ko na. Baka gusto niya akong katext. Masaya 'to. Bakit ko ba nararamdaman 'to? Secret lang naman atsaka siguro natural na sa'ming mga lalake 'to. Maloko pero hindi ako katulad ng iba.

Reply: Ayoko ko lang pong magalit si sir.

Ma'am: Gusto mo bang mapatalsik ng sir mo?

Reply: Syempre ma'am mabait si sir. Aaminin ko nung una, ayoko nang maging driver pero ngayon gusto ko na dahil mabait kayo sakin.

Ma'am: Talaga lang ah.

Bakit ba ganiyan siya magreply? Parang friend ko lang kung magtext. Ano kaya kung magkakagusto sakin si ma'am? Papatulan ko kaya? Miski sa sarili ko, hindi ako makapangako.

Reply: Close na din ako sa kambal kaya mahirap na makahanap ng katulad niyo.

Ma'am: Natutuwa naman ako sayo. Panatag na ako na hindi ka nga nagbabalak na magresign.

Reply: Wag kayong mag alala ma'am. Hindi ko gagawin 'yun. Maliban nalang kung kayo na ang magsabi.

Ma'am: Basta gusto ka namin. Hindi ka namin papaalisin.

Reply: Naka storbo ba ako sa inyo?

Baka nahihiya lang siyang magpaalam sakin. Oras na ng tulog nila. Biglang naring 'yung phone ko.

Calling Ma'am Carla.....

Sinagot ko agad.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now