// 44. Huge

2.8K 38 4
                                    

Dennis' POV

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang mangyayari at natatakot akong malaman ni Jhen ang lahat.

"Hello, Dennis!" tinawagan ako ng Jhen at hindi pwedeng iwasan ko siya.

"Hello."

"Kamusta? Ano na ang nangyari sa'yo? Nakakainis ka."

Oo nga pala. Matagal na kaming hindi nagkakasama. Hindi siya pumupunta dahil busy din siya. Bigla akong may naalala agad. 'Wag naman sana..

"I'm sorry babawi ako." Hindi ko pwedeng ilihim na nagresign na ako. Baka tawagan niya si Carla.

"Alam mo Dennis, kesa manghinayang ka at alam kong nalapit ka sa pamilya ng pinagsisilbihan mo, mas maigi pang magresign ka na. Naiinis ako sa sitwasyon natin."

Biglang lumuwag ang paghinga ko. Hay naku! Bigla akong natakot sa isiping baka magkaroon ng ibang lalaki si Jhen. Biglang sumikip ang dibdib ko. Pero nabawi din dahil sincere naman siya magsalita. Natakot ako dahil alam kong medyo makulit si Jhen pero medyo niluwagan niya ako ngayon at sana nga busy lang siya sa trabaho.

"Sa totoo lang, nagresign na ako."

"Ah talaga? Ba-bakit?"

"Akala ko ba gusto mo nang magresign ako?"

"Ano kasi eh, akala ko ayaw mong magresign. Pero syempre hindi ko pa pala sinasabing magresign ka pero resigned ka na pala. Bakit naisipan mo?"

Kailangan kong mag-isip ng dahilan.

"Ayoko na, tinatamad na ako."

"Ano ang sabi ni Ate Carla?"

"Pu-pumayag naman. Pumunta ka dito ngayon."

"Sige, pero bukas na."

"Bakit bukas pa?"

"May pupuntahan ako."

"Saan?"

"Basta."

"Bakit ayaw mong sabihin kung saan?"

"Birthday lang ng tropa."

"Birthday lang pala eh bakit ililihim mo pa?"

"Hindi ko ililihim!"

"Hindi?! Pero hindi mo sinabi agad!"

Biglang nawala siya sa ere. Shit! Biglang lumakas ang kaba ko. Huwag naman sana. Putsa tinawagan ko agad siya pero nakapatay na ang phone niya. Nagtext ako.

To: Jhen
Bakit mo pinatay ang phone mo? Malaman ko lang na may ginagawa kang kalokohan, lagot ka sakin.

Nakakainis! Napasapo ako sa mukha ko. Malaman ko lang talaga kung ano ang gagawin niya. Imposible naman na birthday lang, bakit kung hindi ko pa siya pinilit sabihin, hindi niya sasabihin? Tapos pinatay niya ang phone niya. Hindi kaya may lalake siyang aattend din sa birthday. Tang ina! Kung totoong birthday nga 'yun dapat isama niya ako pero halatang hindi niya ako isasama. Parang gusto ko siyang puntahan ngayon sa kanila! Nakakainis talaga.

To: Jhen Siguro may lalake ka no? Pupuntahan kita ngayon diyan pag hindi mo parin binuksan ang phone mo. Magpaliwanag ka ah.

Pero naghihintay ako na baka magreply man siya. Wala parin. Nagbihis ako at ready na talaga akong puntahan siya. Oras na wala siya sa kanila... malalagot siya sa'kin.

Naalala ko ang isa ko pang problema. Si Carla. Ano na kaya ang nagyari sa kaniya. Shit, ano ba 'to! Ang laki ng problema ko. Natakot na tuloy akong umalis dahil feeling ko may papatay sa'kin. Tinawagan ko uli si Jhen pero nakapatay parin ang phone niya. Bahala na. Pupuntahan ko siya.

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon