// 41. Big Mistake

3.2K 48 6
                                    

Pinagbuksan ko si sir ng pinto. Nagulat ako dahil habang pumapasok siya ay iba ang pagkakatingin niya sa'kin. Lumakas ang kaba ko. Pinilit kong maging kaswal sa pag kilos at pagsasalita.

"Sir! Upo ka, ano ba ang pag uusapan natin?" sabi ko at kumuha ako ng tubig para sa kaniya. Alam ko kasing paborito niya ang malamig na tubig.

Umupo siya at nagdekwatro lang sabay tumingin sa'kin. "Maupo ka din. Thanks sa tubig." sabi niya, kinakabahan parin ako kasi hindi naman ganiyan si sir sa'kin. Napakabait niya pero ngayon para tinuturing niya akong mababang nilalang. Iba ang tono ng boses niya. Hindi tono ng boses ng isang kaibigan. Bahala na.

"Sige sir." halata na yata na may tinatago ako.

"Totoo bang kasama mo si Carla noong weekend?" nagulat ako sa tanong. Hindi ko napaghandaan. Kailangan kong sumagot ng tama. Alam ko na.

"Ah Sir, kasi... hindi naman namin balak itago--"

"Oo lang o hindi ang sagot." umupo siya ng normal medyo lumapit ang mukha niya sa'kin. Hindi ko nakikita ang sarili ko pero halata ko na natatakot ang itsura ko.

"Kasi SiR..."

"Ano?!"

"Sir magpapaliwanag ako. Wala kaming--"

"Tapatin mo ako. Ayoko ng ekplenasyon. Oo o hindi lang ang sagot na kailangan ko. Kung ano man 'yang ekplenasyon mo'y bali-wala din."

"Eh kasi Sir--"

"Oo?!" Hindi ako makasagot. "Kung hindi ang sagot, hindi ganiyan ang reaksyon mo, tama ba?"

"Opo."

"Bakit mo nagawang magsinungaling?"

Shit! Sino kaya ang nagsabi? Malamang si Rony. Huli na ang lahat. Ano ang gagawin ko?

"Hindi po kasi bagay na ako ang driver niya kaya tinago na lang namin."

"Ganun? Kaya ba sinabi ko kay Carla na isama ka at siya ang umayaw?!"

Lagot na. "Sir, ewan ko, basta."

"Kung wala kayong ginawang iba, it means, wala kayong itatago," kiniwelyuhan niya ako. Ngulat ako. Magkalapit lang kami at abot na abot niya ako. Nanlilisik ang mata niya.

Kaya ko siyang labanan pero wala ako sa lugar. Mabait si Sir kaya hindi ko siya magagawang saktan.

"Sorry, hindi ko kagustuhan. Wala kaming ginawa doon. Nag-inom lang ng konti at nagswimming."

Tumayo siya kaya tumayo na din ako, hawak niya ako sa kwelyo. Bigla niya akong sinuntok kaya nawala ang balanse ko. Nagulat ako. Hindi ko ramdam ang sakit pero mas masakit pa na napatunayan kong alam na yata niya ang kalokohan ko.

"Why?! Why did you do this to me? You betrayed me!" lumapit pa siya.

"Sir magkakamali ka," kailangan kong makalusot. "Bakit mo ako sinuntok?"

"Wag ka nang magkunwari. May relasyon kayo ni Carla 'di ba?!"

"Wala--"

Sinungtok na naman niya ako at sinipa. Bumagsak ako kaya lumapit siya. Sinuntok niya uli ako kahit nakahiga ako. Pwede akong bumawi pero hindi ko magawa.

"You are fuckin' crazy! Why you betrayed me?! Why! Napakabait ng pakita ko sa'yo!"

Hindi ako makasalita dahil halatang sure na siyang may ginawa nga kami ni Carla. Hindi ko pwedeng itanggi pa dahil magkakamali lang ako. Hindi kasi ako magsasabi ng totoo. Totoo nga 'yung sabi ng iba, walang lihim ang hindi mabubunyag. Lahat ng maling ginawa natin ay pagbabayaran natin, hindi pwedeng hindi. Tatanggapin ko na lang lahat. Alam kong pwede akong makulong. Pero ang pinaka importante ay ang damdamin ni Sir Kurt.

Hindi ako nagsasalita.

"Nakausap ko si Carla at aminado talaga siya. Nung una, ayokong maniwala sa sabi-sabi. Pero dahil sa mga sagot ang kilos niyo, halatang totoo ang sinabi sa'kin ni Rony. Huwag niyo nang ipagkaila lahat. Alam niyo ba ang magiging resulta ng ginawa niyo ha?" kitang kita ko ang galit sa mukha niya.

Ano ba ang dapat kong sabihin? Humingi ng tawad o tumanggi? Hindi ganito ang itsura ng inusente. Ano ang gagawin ko?

"Ano, Dennis? Kasalanan ko ba dahil ikaw ang kinuha kong driver? Hindi sapat na nagtiwala ako sa asawa ko ng sobra dahil kumuha ako ng tulad mo. Anong sabi sa'kin? Pinagtulakan kong gumawa ng kasalanan ang asawa ko! Ako pa ba ang mali o kayo na gumawa ng mali?! Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang ginawa mo, Dennis?!" Isang suntok na naman sa mukha ko. Naramdaman kong may dugo na ang bibig ko pero hindi ko dama ang literal na sakit. Tanging ang sakit na kahihiyan ang nararamdaman ko. Ano na kaya mangyayari kay Carla? Lagot ako kay Jhen. Bumangon ako pero mahihirapan ako.

"Sir," Tumayo kami pareho. Hindi ko talaga alam kung paano ako magpapaliwanag! Hindi ko napaghandaan 'to. Hindi ko naisip na mabubunyag kami agad.

Napansin kong may luha sa mata ni sir. Shit! Lalo akong nahiya.

"Ano?!" hinawakan niya uli ako sa kwelyo. "Masaya ba pakiramdam ng natikman ang asawa ng iba? Gwapo ka na ba niyan?!" isa na namang suntok. "How many punches did you have to eat? Naging mabait ako sa'yo, sa inyo pero kayo ang may problema at hindi ako!"

Hindi na ako nagsalita at tulala lang. Maya maya lang ay wala na si sir Kurt. Feeling ko, kulang pa ang ginawa niya. Pero magpapasalamat ba ako kung eto lang ang inabot ko? Alam kong hindi pa tapos ang lahat. Paano na si Carla at ang pamilya nila?

Unfaithful Wife: The Betrayal [Complete]Where stories live. Discover now