Chapter 14- Search

79 8 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nang tingnan ko ang mga katabi kong kama ay wala na akong kasama. Mag-isa na lamang ako sa tent.

Agad akong tinamaan ng kaba at dali-daling lumabas ng tent, hindi ko na inabala pang tingnan ang sarili ko kung maayos ba ang buhok ko, may tuyong laway ba ako o ano.

Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makitang nakaupo sa hindi kalayuang hapag si Christine na karga si Cheska. Katabi niya si Chelsea na nakikipag-usap sa isang batang babae. Saka ko lamang din napansing may mga bata at mga babae sa paligid. Siguro ay pamilya sila ng mga lalaking naririto.

Nasabi sa'kin ni Dylan kagabi na ang ilan sa mga lalaking naririto ay mga sundalo at ang ilan ay mga normal na mamamayan lang na tumulong na rin sa pagpoprotekta sa kampo para na rin sa mga pamilya nila. They want to build a safe haven for their families, most especially for the kids.

"I bet you had a good night sleep," I glanced at Dylan who was standing near the entryway of the tent. Hindi ko man lamang siya napansing nakatayo roon dahil sa kaba ko kanina.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano mo naman nasabi?"

He cough to stifle a laugh, which only made my brow raised even higher. "Well," He licked his lower lip and glanced at me but immediately take his eyes off me, still stifling a laugh.

Bumaba ang tingin ko sa damit ko at agad akong napamura nang makitang I'm just wearing my bra and my jeans! Dali-dali akong pumasok sa loob ng tent para magbihis, pero bago 'yon ay sumigaw muna ako. "Manyak!"

I heard him scoffed. "Excuse you, I'm not laughing at that!"

Tatanungin ko palang sana siya kung ano pa ba ang pagtatawanan niya bukod sa lumabas ako nang nakabra nang biglang napansin ko ang isang salamin sa dulo ng tent. Iyong mahabang salamin na kita maging paa mo. Nakatayo ito sa tulong ng isang upuan, nakasandal ito roon.

Agad akong lumapit do'n at marahas akong napabuntong-hininga sa nakita. Ngayon alam ko na kung ano ang pinagtatawanan ni Dylan. Sobrang gulo ng buhok ko! Para na siyang walis tambo na handa nang gawing panlinis. At hindi lang 'yon! May tuyong laway pa nga ako! What the hell, Aika!

I groaned and I heard Dylan laugh outside. "See?"

I muttered curses under my breath before putting a shirt on. I also combed my hair and wiped off the saliva that's resting on the side of my lips.

Eww, gross. I scolded myself over and over for going outside looking like that.

Bago lumabas ng tent ay tiningnan ko munang mabuti kung nasa labas pa rin ba si Dylan ng tent. Ituturing ko itong isa sa mga pinakanakakahiyang pangyayari sa buong buhay ko.

Napahinga ako nang maluwag nang makitang wala na s'ya roon. Humakbang na rin ako palabas ng tent.

"Kung bakit ba naman kasi, hays!" Inis na bulong ko.

Maglalakad na sana ako papunta sa kinaroroonan nila Christine nang may kamay na pumatong sa balikat ko. Dahil sa pagkabigla ay kusang gumalaw ang katawan ko upang protektahan ang sarili ko. Hinawakan ko ang kamay na nasa balikat ko at agad itong pinilipit. Narinig ko naman ang daing ng nagmamay-ari ng kamay bago ko siya tuluyang hinarap.

"Dylan?" Agad kong binitawan ang kamay niya.

Masama ang tingin niya sa'kin habang pilit na minamasahe ang kamay niyang pinilipit ko. I gave him a sheepish smile.

"Inaano ka ba?" Umiigting ang pangang tanong niya. Geez, nagalit ata. Baka hindi na ako ngitian nito.

Nahihiyang napakamot ako sa noo ko. "Sorry, nagulat lang ako sa'yo. Umaano ka ba kasi d'yan? Akala ko umalis ka na."

The Rush Where stories live. Discover now