Chapter 15- The Walking Dead

80 8 0
                                    

"Kumain na ba siya? Ilang araw na siyang ganyan, ah?" Si Dylan. Rinig kong nag-uusap sila sa loob ng tent kung saan ako natutulog—nagkukunwaring natutulog.

"Hindi pa. Kanina kumain siya pero dalawang kutsara lang."

Rinig ko sila. Ramdam ko sila. Pati ang mga nangyayari sa paligid ko alam ko. Pero tila wala lang sa'kin 'yon ngayon. Nandito ang katawan ko sa kampo, pero ang diwa ko nawawala. Hindi ko mahanap. Hindi ko magawang pagtuunan ng pansin ang nasa paligid ko dahil sa bigat ng dibdib ko.

No'ng araw na nakita namin ang mga kapatid ko, imbes na maging masaya, tila gumuho pa ang mundo ko. Isa nalang ang natitira. Lima kaming magkakapatid, pero ngayon dalawa nalang kami. At isa nalang ang masasandalan ko. Wala na ang ate kong nagpapatatag ng loob ko. Wala na ang bunso naming nagbibigay sa'kin ng pag-asa. At ang kuya ko...

"Ano na ang gagawin kay Aki? Hindi niya pa sinasabi kung ano'ng balak niya, diba? Bakit ayaw niyang... ipapatay si Aki? Not that I want him to die, pero gets mo na 'yon. If he's infected, it's what we should do, right? At bakit hindi pa rin nagtatransform si Aki? Ilang araw na, ah?" Sunod-sunod na tanong ni Christine.

Dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ni Aki ay agad-agad akong napamulat. Nakalimutan ko na ang sitwasyon niya dahil sa sobrang pagluluksa—hindi, pilit kong kinalimutan ang sitwasyon niya. Hindi ko gustong isiping anumang oras ay maaari siyang maging isa sa mga 'yon. Hindi ko gustong isiping mawawala rin siya sa'min.

Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na akong mawalan. Pagod na pagod na akong magluksa. Dalawa nalang kami... Dalawa nalang. Nitong mga nakaraang araw ay ilang ulit kong natanong sa sarili ko kung may nagawa ba akong matinding kasalanan noon para mangyari ang ganito sa'kin. Bakit ganito? Ang bigat naman ata ng kasalanan ko para maging ganito ang hatol. Hindi naman ako pumatay ng tao. Pero... baka sa past life ko nakapatay ako? Kung totoo man, gusto kong bumalik sa nakaraan at ako mismo ang papatay sa dating ako. Siya ang pumatay sa pamilya ko.

Tsk. Para na akong baliw. Naghahanap ako ng masisisi sa pagkawala ng pamilya ko e' sarili ko lang naman ang dapat sisihin sa lahat. Ako lang. Ako ang may kasalanan kung bakit sila nawala. Ako, ako lang. Madamot ako kaya ako lang.

Muli akong napapikit nang maramdaman kong tila nadagdagan ng bigat ang kamang hinihigaan ko. May biglang umupo sa kaliwang bahagi ng kama. Nakaharap kasi ako sa kawalan at nakatalikod sa entrance ng tent.

I tried to even out my breathing. Ayokong malaman nilang gising ako. Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kung sino sa buhok ko. Kahit iyon pa lang ang ginawa niya ay gusto ko na agad umiyak. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Pero natatakot akong kapag umiyak ako, marerealize ko at magsisink-in sa akin na totoo pala talaga ang nangyayari.

"Ate, kumain ka na, please. Alam kong naririnig mo 'ko." It was Anne. Ang kapatid ko. Ang natitira kong kapatid. "Ate, alam kong masakit. Pero nasasaktan din naman ako. Nasaksihan ko mismo ang... pagbagsak ni Aries, a-ate. Kitang kita ko 'yon. Hindi lang ikaw ang nawalan, ate. Hayaan mong samahan kitang magluksa. Sabay natin silang ipagluksa, ate."

Naririnig ko ang paghikbi at pagpiyok niya. Sobrang sakit. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak kasabay niya. Hanggang sa naging malakas na hagulgol ang maliit na iyak.

Mahigpit ang kapit ko sa unan ko habang umiiyak. Naramdaman kong humiga na ng tuluyan si Anne sa tabi ko at niyakap ako mula sa likod. Narinig ko rin ang mga yabag na naglalakad paalis.

Nang masiguro kong wala na kaming kasama sa tent ay humarap ako kay Anne at niyakap ko siya nang mahigpit. Umiiyak kami habang magkayakap na dalawa.

"S-shh...I... I'm so sorry. I'm sorry," Humihikbing saad ko.

The Rush Where stories live. Discover now