Chapter 16- The Deal

76 6 0
                                    

A/N: Baka lang malito kayo. Namention kasi noon sa isang  chapter na bunso sa triplets si Aila, pero tinawag siyang ate ni Aika sa monologue nito.

Ate because kahit na mas matanda si Aika ng ilang minutes kay Aila, mas naging ate pa rin kasi si Aila kay Aika kaysa si Aika kay Aila. Mas mature kasi si Aila kaysa kay Aika.

That's all! Xx
---

Kinabukasan ay maaga akong nagising para puntahan si Aki. Ginising ko rin at pinasama sa'kin si Anne.

Noong mga bata pa kami, ako, si Aila at Aki ay palaging naglalaro ng doktor-doktoran. Si Aki ang doktor, si Aila ang nars, at ako ang pasyente. Sa aming tatlo kasi ako naman talaga ang walang pakialam at alam sa kursong medisina.

That's what makes everything ironic today. Hindi ko inakalang magagawa kong maging doktor para sa kapatid ko ngayon. Kung sabagay, hindi naman talaga ako ang pangunahing mag-aalaga sa kanya kasi nga wala naman akong alam sa field na 'to.

Si Anne pa rin ang magiging doktor, at ako ang aalalay sa kaniya. Kahit noong maliit pa lamang si Anne ay alam na naming magt-triplets na matalino siya. At palagi niya ring sinasabi noon na gusto niyang maging doktor. Kaya tiwala akong magagawa naming mailigtas si Aki sa tulong niya.

"Ate, ayos lang ba talagang gamitin natin ang mga ito?" Tanong ni Anne sabay taas ng mga gamit pang-ospital na mayroon ang grupo ni Don.

"Oo, ayos lang."

Kagabi pagkatapos kong dumalaw kay Aki ay muli akong pumunta sa opisina ni Don. Nagpaalam akong gagamitin ko ang mga gamit na meron sila para mailigtas at maobserbahan si Aki.

Pero siyempre, hindi ko siya napapayag ng libre. Kailangan kong pagtrabahuhan ang lahat ng magagamit kay Aki. Kailangan kong sumama sa lahat ng lalakad ng Alpha at Bravo. I will be going with them in every supply run. Mahirap at delikado... pero kailangan kong gawin para sa kapatid ko.

Hindi ko pa ito nababanggit sa mga kasamahan namin. Wala ni isa man kanila Anne, Christine, Chelsea at Dylan ang nakakaalam sa usapan namin ni Don. Ayoko munang sabihin. Ayoko silang mag-alala. Lalo pa't nangako ako kay Don na may pagkakataong mag-isa akong lalabas para kumuha ng mga gamit na kapalit ng mga nagamit ko kay Aki.

Nasisiguro ko namang kapag wala ako rito ay may magiging katuwang pa rin si Anne sa pag-aalaga kay Aki. Alam kong anumang oras ay handa si Christine na tulungan si Anne na alagaan si Aki. Si Chelsea naman ay alam kong handa ring alagaan ang kapatid niya kung sakali mang kaming mga nakatatanda ay may kanya-kanyang gawain. Si Dylan ang hindi ko sigurado. Sa palagay ko kasi'y kapag nalaman niya ang tungkol sa pagsama ko sa paghahanap ng mga pagkain at gamot ay sasama rin siya sa'kin.

"Aika,"

Bumalik ako sa reyalidad nang kunin ni Dylan ang pansin ko. Hindi ko man lang namalayang pumasok na pala siya sa tent kung nasaan nakaratay si Aki ngayon.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"I brought you guys food. Alam kong hindi pa kayo kumakain." Saad niya sabay taas ng dalawang plato na may lamang kanin at ulam.

Inalapag niya iyon sa isang maliit na mesang nasa gilid ng kama ni Aki. Kinuha rin niya ang dalawang upuang nasa kabilang gilid ng kama ni Aki at inalagay ito sa may mesa.

Nagkatinginan kami ni Anne at binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti. Mahina nalang akong napabuntong-hininga. Sobra na ang pag-aalagang nararanasan ko at ng pamilya ko kay Dylan.

Hindi sa ayaw ko, pero nalilito kasi ako sa ikinikilos niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to. Gusto niya ba ako, o ganitong klase ng tao lang talaga siya? Ako, gusto ko siya. Hindi na ako magpapabebe at sasabihing hindi kung ang totoo ay gusto ko naman talaga siya.

The Rush Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz