Chapter 20- The Culprit

75 6 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan kahit na madaling araw na akong nakatulog kanina. Inaalala ko kasi ang mga naiwan naming kasamahan sa kampo.

Buwan pa lang kaming magkakasama pero dahil madami na kaming pinagdaanan, sobrang lapit na namin sa isa't isa. Parang kapatid na rin ang turing ko kay Christine. Habang sina Chelsea at Cheska naman ay parang mga anak ko na rin.

At siyempre, inaalala ko ang dalawa kong kapatid. Sigurado akong hindi rin nakatulog nang maayos si Anne kagabi. At si Aki, sana maayos lang siya, at sana magising na rin siya agad. At hindi ko rin mabibisita ng ilang araw si Aris. Magtatampo 'yon panigurado.

Nakahiga lang muna ako ng ilang minuto sa kama habang nakatitig sa kisame, muttering my prayers. Nang matapos ay agad na akong tumayo at pumasok sa CR na nasa loob ng Ward.

Nagising ako kanina na may nakalagay na na mga malilinis na damit sa mesang katabi ni Dylan. Nang tingnan ko ito ay nakita kong may pambabaeng damit.

Paano ko nasabing pambabae? Well, dress lang naman siya. At hindi lang basta dress. Spaghetti strap, fitted dress na kulay beige! Mabuti nalang at tatlo ang black leather jacket kaya kahit papaano'y nakahinga ako ng maluwag. Mayroon ding malinis na underwear.

Agad na akong naligo. Nakakatuwang may tubig na lumalabas sa gripo nila. Ang saya tuloy ng pagligo ko. Minadali ko ang pagligo ko nang marinig na may nag-uusap mula sa labas ng CR. Gising na ata sila Dylan at West.

I went out of the comfort room wearing the dress and the leather jacket with my worn-out sneakers. Ang sapatos ko lang ang naiiba sa suot ko ngayon kasi halatang matagal na siyang hindi nalalabhan.

I heard a whistle which made my eyes roll. It was West. Alam kong nagbibiro lang siya kaya pabiro rin akong umikot na kunwaring bubuka ang palda ng dress kapag umikot ako. Pero hindi naman nangyari 'yon kasi nga fitted ang dress na ibinigay ng kung sinuman.

"Saan punta?" Biro ni West.

"Sa Resorts World, may paparty si kumareng fox eh." Sinabayan ko nalang siya sa kalokohan niya.

Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa banyo para maligo na. Nakaupo lang si Dylan sa kama niya habang nakatitig sa akin at hinihintay si West na matapos. Nacoconcious ako pero hindi ko nalang siya pinansin at nagpatay-malisya nalang.

I was fixing my hair in a ponytail when he suddenly cleared his throat. Bahagya akong napalingon sa kaniya pero agad ring ibinalik ang tingin sa kawalan. Kunwaring busy pa rin sa buhok ko kahit tapos ko naman na siyang ipitan.

"You look good," he stated.

"Thanks," I said, not making eye contact with him.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin si West kaya naman pumasok na rin si Dylan para maligo. Pagkatapos ay sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa cafeteria.

Iniwan na muna namin ang mga armas namin sa kwarto. Ligtas naman kami rito. Pinili kong ilagay sa bulsa ng leather jacket ang radyo ko.

Hindi ako komportable sa suot ko kasi every now and then ay umaangat siya. Halos palagi tuloy akong nakahawak sa dress para ibaba ulit.

Bakit ba naman kasi ganito ang ibinigay sa'kin? Wala ba silang jeans o sweatpants? Nakakailang naman 'to. Ito talaga ang outfit na dapat iwasan sa gitna ng apocalypse. Maliban sa madali ka lang makakagat rito dahil expose na expose ang balat mo, sigurado ring may mapupunit na parte ng dress dahil sa kakatakbo. Baka makitaan ka pa 'pag nagkataon.

Agad naming nakita sina Dr Persia nang pumasok kami sa cafeteria. Sinenyasan nila kami na lumapit kaya iyon ang ginawa namin. Umupo kami sa parehong table na inupuan namin kahapon.

The Rush Where stories live. Discover now