Chapter 23- Captured

81 7 0
                                    

Third Person's P.O.V.

Katahimikan. Walang ibang maririnig sa silid kung hindi ang mabibigat na paghinga nina Anne, Christine, at Aki. At maging ang mahihinang paghinga nina Mark at Rey. Pare-parehong nakatali ang mga kamay nina Anne, Christine at Aki sa mga poste. Tahimik namang nakaupo habang nakatali sa silya sina Mark at Rey. Tulog sila dahil sa labis na pagod na gawa ng pagkakabugbog sa mga tauhan ni Don.

Kahit ilang araw na silang namamalagi sa kampo ay ngayon lamang nila napuntahan ang lugar na kinaroroonan nila ngayon. Nakatago ito sa likod ng mga puno. Malawak ito at gawa sa bakal at mga yero ang mga dingding.

Sa itsura pa lamang ng lugar ay alam na agad na rito dinadala ang mga taong nagkakasala kay Don. Tila ilang ulit nang may pinaharapan dito dahil sa mga natuyong dugo sa paligid at ang masangsang na amoy na kanina pa nilang nalalanghap.

"Nangangalay na 'ko," Biglang iyak ni Christine.

Ilang oras na silang nakatayo habang nakataas ang mga kamay. Sino ba ang hindi mangangalay sa gano'n? Mas mahirap pa para kay Christine dahil buntis siya.

"S-sandali nalang. Makaka... makakaalis din tayo rito." Kahit nanghihina ay pilit na pinapalakas ni Aki ang loob ng mga kasamahan.

Nagising na lamang siya na nakatali na rin kasama ang kapatid at ang babaeng gusto niya. Nanghihina pa siya't halos hindi pa maigalaw ang buong katawan niya subalit sinama pa rin siya ng mga tauhan ni Don at ikinulong sa silid na ito.

Mabuti na lamang at hindi nila idinamay sina Chelsea at Cheska. Iyak nga lang ng iyak si Chelsea habang tinatawag ang pangalan ng mga ate at kuya niya.

"Ano ba talaga ang nangyayari, Anne? Asan ang ate Aika mo? Si baby Aris? Si Dylan? Ipaliwanag niyo sa'kin ang nangyayari, pakiusap." Pagmamakaawa ni Aki sa kapatid.

Nagkatinginan sila Anne at Christine. Tumango si Christine kay Anne para sabihing kailangan na nilang sabihin kay Aki ang lahat.

Huminga muna nang malalim si Anne bago isiniwalat ang totoong nangyari sa mga kapatid nila. "Aris is... dead, kuya. H-he's gone..."

Aki stared at Anne blankly. Ilang minuto pa ang lumipas bago naintindihan ni Aki ang sinabi ni Anne. Napakurap-kurap si Aki, at sa huling pagkurap ay may tumakas nang luha sa kaliwang mata niya.

Inihanda na niya ang sarili rito dahil noong umalis siya at iniwanan ang mga nakababatang kapatid para humingi ng tulong ay halos hindi na nagsasalita si Aris. Pero kahit anong paghahanda niya sa sarili niya ay kailanma'y hindi siya magiging handa sa balitang ito.

"N-no... Hindi totoo 'yan. Hindi totoo 'yan! Hindi! Aris!" Iyak ni Aki.

Maging sina Anne at Christine ay napaiyak na rin nang biglang magwala si Aki. Pilit na hinihila ni Aki ang kamay niyang nakatali sa itaas ng ulo niya. Balewala sa kaniya ang sakit na nararamdaman niya sa kamay niya. Wala nang mas sasakit pa sa nalaman niya.

"It's not your fault, kuya. Walang ibang dapat sisihin kung hindi iyong mga lalaking bumaril kay Aris. It's not your fault. It's not ate Aika's fault. It's not our fault." Pilit na pagpapakalma ni Anne sa kuya niya.

Natigil lamang ang pagsigaw ni Aki nang biglang may kumalabog. Nang umangat ang ulo niya ay nakita niya ang isang lalaking kaedad lamang ng kanilang mga magulang. Nakangisi ito na tila nanunuya.

"Gising ka na pala. Kilala mo na ba ako? Hayaan mong ipakilala ko ang aking sarili. Ikukwento ko na rin kung paano kayo napunta rito ng mga kasamahan niyo." Anito.

Aki just glared at the man.

"I'm Don Muñoz. I'm the one leading this group. Napunta kayo rito dahil sa katangahan ng mga kasamahan mo. Itong buntis at 'yong lalaking kasama n'yo. Ang tanga-tanga nila para pumasok sa teritoryo ko. Hindi nila alam na pumapasok sila sa lungga ng dragon." Mapang-asar na tumawa si Don. "Oo nga pala. Maging ang kapatid mong babae ay tanga rin. Kung hindi lamang siya nagsalita sa radyo, hindi ko malalamang nag-eexist siya. Ang tanga ng pamilya niyo. May pinagmanahan talaga kayo."

The Rush Where stories live. Discover now