Chapter 25- Survivors

93 6 6
                                    

°Aika°

Nang makarinig kami ng putukan ay agad akong pinayuko ni Dylan. Sinamantala na namin ang nangyaring kaguluhan. Dali-dali kaming lumapit sa mga kasamahan namin, nakaalalay ang kamay ni Dylan sa likod ng ulo ko para payukuin ako.

Una kong nilapitan si Aki. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang kinakalagan ko siya.

Namumutla siya at nanghihina pero at least gising na siya. Kasama na namin siya ulit. Nagbalik na ang kapatid ko.

"Aki, are you alright?" Agad na tanong ko nang makalagan ko na siya. Niyakap ko rin siya nang mabilis.

"I-I'm fine. Kalagan mo na si Anne." Mahinang aniya.

Napatango ako at lumapit na kay Anne. Habang kinakalagan ko siya ay kinakalagan naman ni Dylan sina Mark at Rey, at si Aki naman ay kinakalagan na rin si Christine.

Umiiyak si Anne nang makalapit ako sa kaniya kaya pinilit ko ang sarili kong ngumiti kahit na maging ako'y kinakabahan na sa nangyayari. Hindi ko man lang alam ang nangyari. Ni hindi ko nakita kung sino 'yong mga bumaril at nakikipaglaban ngayon sa grupo nina Don.

Nagkakagulo na rin sa paligid namin. 'Yong mga mamamayan ng kampo ay hindi na magkamayaw sa kakatakbo.

Pilit na hinanap ng mga mata ko sina Chelsea at Cheska pero hindi ko sila mahanap dahil na rin siguro sa gulo ng paligid. Sa halip ay dalawang pamilyar na mukha ang nakita ko na nakikipaglaban sa grupo ni Don. Si West na may bitbit na glock, at si...

Imposible. Namamalikmata lang ba ako? Is this real?

"Dad!" Naiiyak na sigaw ko sa gitna ng kaguluhan.

Nang marinig niya ang sigaw ko ay nagpalinga-linga siya ng tingin sa paligid hanggang sa magtama ang mga mata namin. Siya nga! He's alive!

Nginitian lang niya ako bago muling bumalik sa laban kontra sa grupo ni Don. Hindi ko na makita si Don kahit saan, tanging sina Sandoval at ang Team Charlie at Delta nalang ang nakikipaglaban.

"Anong... anong ibig mong sabihin, ate?" Nanginginig na tanong ni Anne.

Abot tenga akong ngumiti sa kaniya. Hinawakan ko na rin ang mga kamay niyang nakalagan ko na. "Dad's alive! Kasama niya si West at ang iba pang taga hospital. Aalis na tayo rito."

Agad ko siyang hinila patayo at inalalayan. Lumapit na rin kami sa mga kasamahan namin.

"We need to get out of here." Bungad ni Dylan.

Agad naman kaming napatango lahat. Kinuha ko ang kamay ni Anne at inilapit ito kay Aki. Mahigpit kong pinagsaklop ang mga kamay nila.

"You guys go first. Hahanapin ko lang sina Chelsea at Cheska. Tutulong na rin ako rito."

Agad na nag-iba ang mga mukha nila. Alam kong tututol pa sila kaya agad na akong nagsalita. "Dylan, Anne, at Christine, alalayan niyo sina Aki, Mark at Rey. Kaya ko ang sarili ko, 'wag na kayong mag-alala. Kailangan din kayo ng mga tao. Guide them." Nginitian ko pa sila para ipakitang okay ako.

Malakas na napabuntong-hininga si Aki bago ako mabilis na niyakap. Gano'n din ang ginawa ng iba. Nang si Dylan na ang yumakap sa 'kin ay may pahabol pa siyang bulong.

The Rush Where stories live. Discover now