Chapter 18- Hospital

71 6 0
                                    

"W-H-O ba kamo? As in World Health Organization?" Gulat na tanong ni Mark.

"Hindi," napalingon kami kay Dylan nang magsalita siya. Kagaya ni West kanina ay nakatingin lamang siya sa kawalan na tila ba malalim ang iniisip. "Hindi World Health Organization."

"Paano mo nasabi? May alam ka pa bang ibang ibig sabihin ng W-H-O?" Tanong ko.

"Hindi kailanman papatay ang isang miyembro ng W-H-O. They took an oath. And that is to protect, heal, and save mankind. Hindi nila gagawin 'yon." He stared directly at my eyes. Otomatiko naman akong napatango, naniniwala sa kanya.

"Kung gano'n nga, sino 'yong mga W-H-O na 'yon?" Tanong naman ni Rey.

"Maybe it's a fake one." Biglang saad ni West. Tila ba may napagtanto siya. "Maybe they're using W-H-O to cover up their crimes. Maybe they're just civilians. Mga sibilyan na gagawin ang lahat para mabuhay."

"For everyone's sake, I hope so." Ani Dylan.

Agad na kaming nagmadaling pumasok sa grocery store na pinasukan ng mga kalalakihan kanina. Wala na kaming sinayang na segundo at agad na kaming nanguha ng mga pagkain. Kinuha na rin namin ang iba pang bagay na maaari naming magamit. Kaunti na lang ang natira ro'n dahil nga kumuha rin ng mga supplies mula ro'n ang grupo ng mga kalalakihan kanina.

Habang kami ni Dylan at ang mga Alpha ay busy sa pagkuha ng mga pagkain, nagpatuloy naman ang mga Bravo sa paglalakad para tumungo sa tindahan ng mga armas. Sana lang may mga baril pa ro'n.

Kumuha na rin ako ng mga gamot sa listahan ni Anne na nandirito sa grocery. Dadagdagan ko nalang mamaya. Marami naman nito sa hospital.

"Aika, sasamahan na namin kayo ni Dylan sa pagpunta niyo sa hospital." Biglang saad ni Mark.

Agad naman akong napalingon sa kaniya. "Hindi na. Kailangan niyong ihatid ng ligtas ang mga nakuha natin ngayon. Saka isa pa, sariling lakad ko naman talaga dapat 'to."

West tsked. "Nonsense. Ano pang silbi ng pagkakaibigan natin kung hindi namin kayo sasamahan?"

Napangiti ako sa sinabi niya pero agad ring napailing. "Ayos lang. Kaya na namin 'yon."

"Psh. Para ka namang others. Hayaan mo na silang samahan kayo. Kaya na rin namin 'to 'no." Singit naman ni Nelson na nakikinig pala sa usapan namin.

Tuluyan na akong napangiti. Kahit papaano ay may magandang bagay na dumating sa akin sa gitna ng apocalypse. At iyon ay ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigang handang tumulong sa'kin.

"Saka future brother-in-law ko na rin si kuya Aki, 'no. Pa-good shot ba." Tatawa-tawang aniya ni West. Alam kong nagbibiro lamang siya kaya nakitawa na rin ako.

Alam ko namang hindi niya ako tutulungan dahil lang sa magkapatid kami ng crush niya. Mabait na bata rin kasi talaga si West. Tama ang naging pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang niya.

Nang matapos kaming lahat ay nagkita-kita kami sa likod ng mga kotseng pinagtaguan namin kanina. Ang babalik sa kampo ngayon ay dalawang Alpha at tatlong Bravo lang. Ang sasama sa amin ni Dylan ay sina West, Mark, at Rey.

Bago umalis ay binilinan ko si Nelson na pahiramin si Anne ng radyo niya pag-uwi nila. Gano'n ang ginagawa namin palagi sa tuwing nagpapahuli kami ni Dylan. Wala naman kasing sariling radyo si Anne. Limitado lang ang mga radyong meron ang grupo nina Don.

Nagdala na rin kami ng kaunting pagkain at inilagay iyon sa duffel bag na dala ni Dylan. May posibilidad nga kasing dito nalang kami matutulog sa bayan ngayong gabi.

Dahan-dahan naming binabagtas ngayon ang daan patungong hospital. West is leading the way. Siya kasi ang mas nakakaalam sa daan dito dahil ito ang bayang kinalakihan niya.

The Rush Where stories live. Discover now