Chapter 24- Gunshot

74 6 0
                                    

Third Person's P.O.V.

Hindi nagtagal ang tingin ni Aika sa mga kapatid niya. Agad ring lumipat ang mga mata niya sa mga kaibigan. Sina Christine, Mark at Rey.

Pare-parehong nakaupo sa mga silya at nakatali ang mga kamay at paa ng mga kasamahan nila. Si Mark at Rey ay tulog pa rin at pansing-pansin ang mga pasa at sugat sa buong katawan nila, lalo na sa mukha. Sina Christine at Anne naman ay kapwa umiiyak, habang si Aki ay kahit nanghihina pa rin ay nagawa pa ring ngumiti kay Aika.

Pilit hinanap ng mga mata niya sina Chelsea at Cheska, pero wala ang mga ito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil alam niyang hindi nadamay ang mga ito, o mag-aalala dahil hindi niya nakikita ang mga bata.

"Aika, Dylan. It's good to have you back. Where's my son?"

Napaangat ang tingin ni Aika sa nagsalita. It was the man who made the disaster happen.

"Iniwan namin si West. Whatever the hell that you're doing, we don't want to include him in it. Nakakasuka ka. Hindi ka tao." Punong-puno ng panggigigil na sabi ni Aika. She muttered every word with such venom.

Don's smile falters, but he immediately regain his composure. "That's disappointing. Gusto ko pa naman sanang makita kung makakaligtas ba ang anak ko sa pandemiyang ito."

"What do you mean by that?" Tanong ni Aika.

"Ganito kasi 'yan. Naniniwala kasi akong ang malalakas lang ang may karapatan at kakayahang mabuhay sa mundo. Kaya kung mamamatay ka man, then maybe you're not strong enough. Ganyan din para kay West. Kung mahina siya, edi mamamatay siya. Pero kung hindi, good for him." Ani Don.

"How can you say that?! He's your son!" Aika suddenly felt like she's about to vomit. Don is, without a doubt, a crazy jerk.

"Is that why you're doing this? To prove your ridiculous theory?! Is that it?!" Nanggagalaiti rin sa galit na sigaw ni Dylan.

Nagsimulang maglakad-lakad si Don sa harap ng mga kasamahan nilang nakatali sa upuan. Bawat hakbang ay bumabaon ang puso ni Aika sa lupa.

"Let's just say that I'm cleansing the world. My virus did a really great job in killing the weak ones and making our world a better place. Kung wala ang mga mahihinang taong 'yon, wala ring dahilan para maging mahina ang mundo natin. So, all your friends and families that are now dead, are the weak ones. The virus did them a favor. Mas pinadali lamang ng virus ang mga buhay nila. Ngayon, wala nang magugutom sa daan, wala nang mga taong masasaktan, o kung ano pa man. And that is because of my virus. You should thank me, actually." Ngisi ni Don.

Nagkatinginan sina Aika at Dylan. Hindi nila kinakaya ang mga pinagsasasabi ni Don ngayon. Ang Don na nakikita nila ngayon ay napakalayo sa mahinahong Don na sumalubong sa kanila sa kampo.

Napalingon si Aika sa paligid. Saka lamang niya napansin na pinapalibutan sila ng team Charlie at Delta. Ang team Alpha at Bravo naman ay nakatayo kasama ng mga miyembro o mamamayan ng kampo na may dalang mga sulo at pilit gustong lumapit sa kanila at sumaklolo, ngunit wala ring magawa dahil sa mga baril na bitbit ng Charlie at Delta.

Mukhang pinaghandaan talaga ito ni Don. Ngayon lamang niya nakita ang mga dekalibreng baril na iyon.

"The doctors told us about the WHO tattoo. Kung sino ang mga lalaking 'yon at kung ano ang koneksyon mo sa kanila." Aika says, gritting her teeth.

The Rush Where stories live. Discover now