Chapter 17- W-H-O

72 7 0
                                    

Sa mga nagdaang araw ay patuloy akong sumasama sa Alpha at Bravo team sa lahat ng supply run nila. Pati si Dylan sumasama rin. Palagi pa rin kaming magkasama pero parang hangin lang kami sa isa't isa. Minsan nagkakatinginan kami pero agad rin namang nagkakaiwasan.

Ang hirap, sa totoo lang. Hindi ako sanay na ganito kami. Pero sabi ko nga, at least alam kong andito pa rin siya sa tabi ko.

Sa tuwing pumupunta kami sa bayan ay hindi ko nakakalimutang pumitas o kumuha ng magagandang bulaklak. Kahit nabubulok na ay kinukuha ko pa rin para dalhin sa lugar na pinaglibingan kay Aris.

Noong araw din mismo na nakita siya ay inilibing siya ni Dylan sa mismong lugar kung saan siya nalagutan ng hininga. Pagkatapos kasi no'ng nalaman kong may kagat si Aki ay tuluyan na akong nawala sa sarili. Hindi na ako makausap no'n at iyak na rin nang iyak. Kahit nasa kabilang bahagi ng gubat ay pumunta pa rin talaga ro'n si Dylan para siya na mismo ang magbungkal ng lupa na paglalagakan sa bangkay ng kapatid ko.

Sa oras ng uwi namin ay palagi kaming nagpapahuli ni Dylan para dumaan sa puntod ni Aris. Inaalayan namin siya ng mga bulaklak at dasal. Minsan din nagdadala ako ng mga laruan at inilalagay sa ibabaw ng puntod niya.

Miss na miss ko na siya. Si Dad rin. At si Tita Kate. At si Trisha. Maging sina Mom at Aila. Miss na miss ko na silang lahat.

Swerte nalang talaga at ni minsan sa paglabas namin ay hindi namin nakasalubong sina Dad, Tita Kate, o Trisha. Asan na kaya sila? Sana nasa isang ligtas na lugar sila. Hinihiling ko na sana nasa isang enclosed area sila at ligtas mula sa mga tao. Baka kasi... may cure talaga at maibalik pa namin sila sa dati.

Aalis na naman kami ngayong araw. Nagkukulang na kasi ang pagkain namin. Lalo pa't may buntis kaming kasama. Mag-aapat na buwan na rin sa makalawa ang tiyan ni Christine. Ang bilis din talaga ng panahon. Akalain mong magdadalawang-buwan na kaming magkakasama.

Ngayon din pala ang kauna-unahan kong pagpunta sa hospital. Nauubos na kasi ang mga IV at kung anu-ano pang anek-anek na kailangan para kay Aki eh. Mabuti nalang at may progress na ang kalagayan ni Aki. Minsan nalang siya kung kombulsyunin. Maayos na rin ang paghinga niya at ni minsan ay hindi pa siya nawalan ng pulso. Mahina ang pulso niya, oo, pero hindi nawawala kaya ayos lang.

Magiging magaling nga talagang doktor si Anne sa hinaharap. Hindi ko talaga alam kung saan niya natutunan ang mga bagay-bagay tungkol sa panggagamot. Sa internet kaya? O kay Aki mismo?

"Eto ang listahan ate, oh. May mga label naman lahat ng gamot kaya madali lang 'yong mahahanap." Sabi ni Anne sabay abot sa akin ng isang papel.

Pinasadahan ko muna iyon ng tingin bago tumango-tango. "Sige, I'll do everything in my power to find these. Hindi mo pa naman kailangan bukas, diba?"

Bahagyang napakunot ang noo niya. "Hindi pa naman. Bakit?"

"Baka kasi maghahanap nalang muna ako ng matutuluyan do'n kung sakaling maabutan ako ng gabi. Delikado." Ibinulsa ko ang papel at tumayo na.

Napansin kong natigilan si Anne. Nang lingunin ko siya ay para na siyang naiiyak. Napabuntong hininga nalang ako. Sa tuwing aalis ako ay hindi nawawala ang iyakan. Hindi ko naman masisisi si Anne. Wala naman kasing kasiguraduhan ang lahat. Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang hindi natin inaasahan.

Hinaplos ko ang buhok niya at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Babalik ako, okay? Wag kang mag-alala sa 'kin. Saka diba, papahirapan ko pa si West?"

Natawa naman siya dahil sa sinabi ko kahit pa patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya. Ang gunggong kasi na si West, pinormahan ang kapatid ko! Nahuli ko nga nung nakaraan na ninakawan ng halik sa pisngi si Anne. Kunwari raw may dumi sa mukha tapos yun pala manghahalik lang. Mga galawan pa lang, nako! Kanino kaya nagmana ang batang 'yon? Kay Don? Pfft.

The Rush Where stories live. Discover now