- Chapter 1 -

195 66 18
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, places, businesses and events are either products of the authors imagination or used in fictitious manner.

Any resemblance to a real person, dead or alive, or actual event are purely coincidental.

♕➺♕➺♕


Chapter 1
Welcome to Verdandi University

Valerie's Point of View

This is my first time entering this University. Malapit lang ito sa bayan namin at 'di naman malayo ‘pag nagtravel.

Kinailangan kong mag-pabangs para lang hindi ako makilala ng mga tao rito. Ang kati sa noo.

Napailing na lang ako. Papasok na sana ako sa loob ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumabi ako at kinuha iyon.

"What?" tanong ko.

"Big Sis! Nasa'n ka na?"

"Umuwi ka na rito! Iiwan mo na ba kami?"

"Ipapa-ampon mo na ba kami? Ganon na lang ba 'yon!?"

Magkakasunod nilang sigaw. Nasampal ko ang sariling noo. Napaka-OA.

"Mga engot! Anong ipapaampon? Nakatira lang tayo sa iisang bahay, jusko. Uuwi ako diyan mamaya! Hintayin niyo ko at pag-uumpugin ko ang mga pag-mumukha niyo!" inis kong pinutol ang linya.

"Can you stop shouting? Nakakaabala ka." Natingnan ko ang nagsalita.

He is staring at me with his poker face. Nakapamulsa lang siya at nakaharap sa'kin. Tumayo ako nang tuwid habang naniningkit ang mga mata.

"Are you new here? Oh I see, you don't know the rules-"

"I don't give a d'mn in your rules. Mind your own business, nerd," I spat.

Nilampasan ko siya at pumasok na sa loob ng school. Sino ba ang asungot na 'yon? Kung inaakala niyang magpapauto ako sa kaniya puwes diyan siya nagkakamali.

Hindi lingid sa kaalaman ko na may nangyayaring mga batas (kuno) dito sa University. Wala akong pake. Wala naman akong mapapala sa kanila.

Nagmadali akong lumakad. Mukhang maaga pa ako dahil wala pa masyadong estudyante. Nakarating ako sa Dean's office.

Akmang papasok na ako nang may lumabas na babae. Her light brown eyes surveyed my whole form coolly.

"You must be Thyra Valerie Sevilla. Am I right?" I nodded. "Hinihintay ka na ni Dean Alonso sa loob," sabi sa'kin ng sexytary ng Dean.

"Nasa'n siya? Pakausap nga."

Nangunot ang noo niya."Ah, s-sige. Pumasok ka," nag-aalangang aniya. "What a b'tch," dagdag pa niya.

Aba't.

Hindi ko na lang siya pinansin. Pagpasok ko ay umupo agad ako sa harap niya.

"Miss Sevilla, where is your manners? Ni hindi mo man lang ako binati?" may halong inis na wika niya.

That Girl Is A Gangster (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon