- Chapter 3 -

132 64 1
                                    

Chapter 3
Prediction

Nakaupo kami dito ngayon at  kumakain. Hindi ko maiwasang tingnan siya nang sobrang sama. He saw me looking at him, he gulped.

"Care to explain?"

"Eh hindi ko naman kasi ginusto 'to eh. My parents insisted dito raw ako mag-aral. Gusto nilang magbago na ako," he reasoned out.

"Pft. Eh nagbago ka ba?" Umiling siya, "Oh ano pa'ng ginagawa mo rito? Tumigil ka na lang kaya sa pag-aaral," suhestyon ko.

His eyes widened. "Uy ano ba!? Ano na lang ang ipapakain ko sa mga magiging anak ko? Kapag 'di ako nakapagtapos hindi ako makahahanap ng chicks!" he exclaimed and leaned into his chair.

| ٥↼_↼ |

Huh? Di'ba dapat trabaho 'yon?

"Shunga, 'wag ka ngang OA. 'Di pa nga tayo nakagraduate eh may anak na agad." Ngumuso lang siya ."When did you got here?"

"Last month lang," he answered.

"Sana nagpaalam ka man lang sa'min. Wala kang pasabi eh. Pinahanap pa kita, nandito ka lang pala," panunumbat ko.

Ngumiti siya nang nakakasilaw. "Yiee, pinahanap mo talaga ako?" Tumaas taas pa kilay niya.

| ╹▽╹ |

"Oo, ikaw sana 'yong ipapalapa ko sa tigre namin doon sa bahay."

"Wala kaya kayong tigre," sabi niya pa, tumawa ako.

"Biro lang, eto naman."

Napailing na lang siya, "Pasensya na at umalis ako, biglaan din kasi. Nakapagpaalam na rin ako sa kanila, kahapon nga lang."

Pero sa'kin wala.

"Mm, buti naman."

Nagsimula na kaming kumain. Una kong kinain ang carbonara.

"Val? Bakit ka nga pala napunta rito?" I stopped eating. Ibinaba ko ang kutsara ko.

"I have something important to do here."

"I see. Pero kailangan mo pa talagang magtransfer dito? Wow, sinong niloloko mo? Saka ano naman 'yon?"

"You don't have to know," seryosong sambit ko saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi na siya nakasagot. "Oh sa'yo na lang 'tong hotsilog, saka chicken sandwich 'di ko naman 'yan mauubos." Tinulak ko ang tray papunta sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. "Eh ba't ka pa bumili? Sinasayang mo pera mo." Batawa ako.

"Ayos lang 'yan, bumibigay ako kapag mabuting tao kaharap ko." Natahimik siya. "By the way, anong section mo? Wala akong kasama dito eh."

That Girl Is A Gangster (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon