- Chapter 31

64 28 1
                                    

Chapter 31
Sibling or Enemy?

Valerie's Point of View

Nagulat ako nang hawakan ni D'Mitri ang balikat ko. We met each other's gaze. Sa paraan ng pag-titig niya ay nakaramdam ako nang kaunting pag-asa. Parang sinasabi niyang makakaya ko ito, na lalaban ako kahit anong mangyari.

"You can do it, just look at me if you want to stop." bulong niya.

Hindi ako sumagot kaya tango na lang ang naging tugon ko. Hindi mag-kamayaw sa pagkabog ang puso ko.

Parang may mga kabayong naglulundagan sa loob ng katawan ko. Dang, this more scarier than I thought it would be. At mukhang ayaw mag-function ng utak ko ngayon. Now that I know the truth.

Pumasok ako sa loob ng cage at agad ko siyang nakita. Parang tutulo ang luha ko pero pilit ko itong pinigilan.

| 。•́︿•̀。 |

Kuya, all this time, its been you..

Flashback

"I'm one hundred percent sure that he is your missing brother."

Pumatak na ang mga luhang kanina pa nag-babadya. I'm right, tama ang hinala ko. Siya nga.

"We also found out na hindi na niya nakakasama ang mother niyo a year ago. His husband Hashida is also not here, he went back to his country Japan. She's been missing and sa tingin ko wala ring alam ang kapatid mo kung ano dahilan. By the way ipapadala ko sa bahay niyo ang DNA test para may ibidensya ka na siya nga ang tunay mong kapatid."

Suminghot ako at tumango."Yes, thank you Glen, so much. Salamat talaga sa lahat."

"You're welcome, I will still investigate para sa mother mo." Agad kong binaba ang cellphone.

End of Flashback

Napakatagal kong hinintay ang araw na magkita kami. It's been 12 years since I last saw him at ngayong nasa harap ko na siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naikoyum ko ang mga kamao ko.

Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit kailangang ikaw pa?

Mapaglaro talaga ang tadhana, at mukhang kami ang pinaglalaruan nito. Nagkita kami sa hindi inaasahang pagkakataon. At sa pagkikita naming iyon, doon nag-simula ang galit niya para sa'kin, sa kapatid niya.

Biglang tumunog ang bell, nagsimula ng mag-ingay ang paligid. He approached me while smirking evilly. I can see the anger and hatred in his eyes.

Hinanda niya na ang sarili niya. At ako, parang wala dito ang diwa ko. I'm just standing still, not moving.

"Val umiwas ka!"dinig kong sigaw ni Luke.

Tinanggap ko ang mga malalakas niyang suntok. Kaliwa't kanan, hindi ko magawang lumaban sa kaniya. I can't remove my eyes off him.

Mag-kakasunod na sipa ang iginawad niya sa'kin sa may bandang paa ko. Napakagat ako sa labi. Agad akong napadura ng dugo ng sikmuraan niya ako. Isang segundo lang ang agwat at tinadyakan niya ako sa mukha. Kaya bigla akong nabingi.

That Girl Is A Gangster (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon