- Chapter 47

34 8 0
                                    

Chapter 47
Upsetting Reality

Kita mo na, hindi naman pala talaga sila magtatagal dito, pft. Ba't ba ako umasa?

Ramdam ko ang titig ng lahat na nakatuon sa akin, hinihintay ata ang sasabihin ko.

"Val, ano na?" Bricks asked.

I clasped both of my arms on my chest."What do you mean na ano na?" I spoke without any emotions.

Kumunot ang noo niya, tila hindi makapaniwala."Hindi mo man lang ba sila pipigilan? Narinig mo ba ang sinabi ko, aalis sila." Diin niya sa mga salitang iyon.

"Hindi maaari."dinig kong bulong ni Rio.

Natawa ako nang sarkastiko."Oh 'e ano ngayon kung aalis sila? Wala akong pakealam kahit anong gawin nila."matigas kong wika.

He sighed heavily."As in aalis sila Val, they won't ever come back." parang sirang plakang nag-paulit-ulit iyon sa isip ko.

|・_・|

Ha?

Natingnan ko siya. "Ano?"

"Hindi na sila babalik rito Val, they will stay in France." Umiwas ako nang mag-ulap ang mga mata ko.

"Val." Sambit nila sa pangalan ko.

But they told me they'll stay here for good? Ngunit aalis pa rin sila? Bakit nila sinabi 'yon?

Tumayo ako at tinalikuran sila, I don't need their pity. Pinakiramdaman ko ang sarili. Galit ako sa kanila pero alam kong mas galit ako sa sarili ko.

Kasalanan ko kung bakit sila aalis. Kung sana inayos ko na ang pagkakaibigan namin, magkakasundo na sana kami. Siguro ngayon galit sila dahil wala akong kwentang kaibigan, dahil mas inuna ko ang lintik na pride ko kesa sa friendship namin.

Tahimik akong napaiyak. I clenched my fist tightly, parang babaon na sa balat ko ang kuko ko. Hindi ko napigilan ang sarili at nasipa ko ang mga upuan na malapit sa'kin, gumawa iyon ng ingay.

"T'ng'na!" galit kong sigaw.

"Madam!"

"Val, itigil mo 'yan."

"'Wag kang mag-padala sa galit mo!"dinig kong sabi ni Abe. I didn't listen.

I was about to get those books and throw it when someone stopped me from behind, pumulupot ang isang makisig na braso niya sa bewang ko at walang kahirap-hirap na binuhat ako palayo roon.

"That's enough." He said, warning me.

"Val, kumalma ka lang." Rinig kong paki-usap ni Bricks.

Hindi.

Pumalag ako."Amp'cha! Bitawan mo ko, 'wag mo kong pakealaman Tanda!" pilit kong inalis ang braso niya pero mas malakas siya sa'kin, pinalo ko iyon ngunit hindi pa rin siya kumawala.

Argh! B'llsh't.

"Val, please calm down." He begged, dahil wala ng lakas ay kusa rin akong tumigil.

I promised myself that I won't ever fvcking cry yet here I am again, repeating what I did these past few days.

Napapikit ako nang mariin habang kagat-kagat ang labi. Nasandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

That Girl Is A Gangster (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon